SINAG SA GOBYERNO: AGRI INDUSTRY SUPORTAHAN

SINAG Chair  Rosendo So

HINILING ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pamahalaan na suportahan ang pagsisikap ng  local agriculture industry na mapabuti ang lokal na produksiyon at bawasan ang retail price ng basic agricultural commodities.

“Farmgate prices have remained  constant, despite  rising prices  of our cost of production the past months, why are we now being penalized with the proposal of zero tarriff for meat and other agriculture products,” pahayag ni SINAG Chair  Rosendo So.

Base sa tala ng SINAG farmgate price bawat kilo, noong Disyembre 2017, ang presyo ng palay ay P21.50 bawat kilo su­balit ngayong taong 2018 ay nasa P25 na kada kilo; ang karne ng baboy mula sa P125.88 ay tumaas ng P134.15;  manok P92.11-P95.46; bangus P90-P95; tilapia P80-P72 habang ang mais naman na dating P13,  ngayong taon ay P18 na kada kilo.

Ito ang reaksiyon ng nasabing multi-agri group, makaraang isulong umano ng gobyerno ang programa para sa pagtataas ng revenues at ngayon naman a­nila ay ang pagtanggal ng taripa sa karne at isda para makatulong sa pagbaba ng inflation.

“Reducing  tariffs to zero percent will annihilate the agriculture sector with the expected dumping of cheaper agricultural imports,” giit ni So.

Nabatid na balak din umano ng pamahalaan na payagan na ang importas­yon maging ng galunggong.

Kaugnay nito, batay  sa Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang general retail price index (GRPI) ng mga pagkain sa Metro Manila ng 0.8 porsiyento sa buwan ng Hunyo kompara noong Mayo.

Ang GRPI ay isang pagsukat sa naging pagbabago sa presyo ng retail goods and services.

Ito umano ay taliwas sa naging halos sunod-sunod na pagbaba ng GRPI para sa magkakasunod na buwan ng Marso, Abril at Mayo kung saan ang retail prices ay bumaba ng -0.2, -0.6 at -0.3 porsiyento.

Sinasabing ang dahilan ng pagtaas ng price index ay ang pagtaas ng presyo ng bigas, itlog, baboy, manok at iba pang agricultural products.  PAULA ANTOLIN