SINANDOMENG, DINORADO BURADO

BIGAS

HINDI na maaaring gamitin ang ilang pa­ngalan ng bigas simula sa Sabado, Oktubre 27 alinsunod sa kautusan ng Department of Agriculture (DA).

Kabilang sa mga ito ang sinandomeng, super angelica, yummy rice, dinorado at double diamond na tatawagin na lamang sa isang ka­tegorya bilang “special rice.”

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, nagdudulot lamang ng kalituhan sa mga mamimili ang iba’t ibang pangalan ng bigas na maituturing na panloloko at “unfair trade practice.”

ITINAKDANG SRP NG IBA’T IBANG URI NG BIGAS SA METRO MANILA

Kasabay nito, ipatutupad din ng DA ang suggested retail price sa bigas na 39 pesos kada kilo para sa regular milled rice habang 44 pesos sa kada kilo ng well-milled; 40 pesos pababa sa imported regular milled at 37 pesos pababa sa imported well-milled rice.

Ipatutupad din ng DA ang suggested retail price sa bigas na 39 pesos kada kilo para sa regular milled rice habang 44 pesos sa kada kilo ng well-milled; 40 pesos pababa sa imported regular milled at 37 pesos pababa sa imported well-milled rice simula Oktubre 27.

Itinakda sanang gawin nitong Martes ang pagpapatupad ng SRP ngunit nakiusap daw ang mga stakeholder sa DA para bigyan sila ng oras na maayos ang mga signage ng mga bagong presyo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na hindi dapat aakyat sa P43 kada kilo ang magiging presyo ng imported “Premium” rice na P60 ngayon sa merkado.

Hindi naman aakyat sa P39 kada kilo ang benta sa mga imported “Well-Milled” rice na 25 porsiyentong broken o may kaunting durog.

Ang mga lokal na bigas naman tulad ng “Regular-Milled” ay ibebenta ng P39 kada kilo. Ibebenta ang lokal na “Well-Milled” sa P44 kada kilo habang ‘di naman lalagpas ng P47 kada kilo ang magiging presyo ng “Premium Rice.”

Pero ayon sa DA, hindi anila papatawan ng SRP ang mga special rice tulad ng Cordillera Heirloom Rice, Organic Brown, Red at Black Rice, real Dinorado, Milagrosa, Jasponica, Doña Maria, Hinumay, Malido, Kamoros, at Malagkit bilang tulong umano sa mga lokal na magsasaka.

Sa susunod na linggo pag-uusapan ng DA at ng mga stakeholder ang mga SRP ng bigas sa mga supermarket at mga rehiyon.          DWIZ882

Comments are closed.