“SINCERE” APOLOGY NI ERWIN TULFO OKAY –PNP

erwin tulfo

CAMP CRAME – PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief Police Gen. Oscar Albayalde ang sinserong pag­hingi ng tawad ng brodkaster na si Erwin Tulfo matapos banatan si Social Welfare Secretary Rolando Bautista.

“I think it is very noble of Mr. Erwin Tulfo to do that and we are very much thankful. Of course on the part of the Philippine National Police, we accept his sincere apology,” ani Albayalde na graduate ng Philippine Military Academy gaya ni Bautista.

Nilinaw naman ng PNP chief na hindi siya maaring magsalita sa panig ng Armed Forces of the Philippines, kung saan ilang heneral ang hindi nagustuhan ang pagbanat at pamamahiya ni Tulfo kay Baustista sa programa nito sa radyo matapos hindi makontak ang kalihim.

Naniniwala naman si Albayalde na tatanggapin ni Bautista ang paghingi ng tawad ni Tulfo dahil napakabait nito, maunawain at napaka-propes­yunal na tao.

Una nang humingi ng paumanhin si Tulfo sa kanyang sobra-sobrang pagbatikos su­balit nanindigan na may karapatan siyang punahin ang mga opisyal ng pamahalaan bilang mamamahayag.

Muli itong nag-sorry sa isang television interview, kasabay ng pagsasabing maari siyang mag-“tone down” at baguhin ang kanyang estilo.

Si Bautista ay nagsilbi bilang Army chief bago itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Department of Social Welfare and Development secretary. Siya rin ang overall ground commander noong 2017 Marawi siege. EUNICE C.

Comments are closed.