NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-upgrade ang diskarte sa paglaban sa droga at ito ay sa pamamagitan ng pagbabago sa patakaran sa diskarte.
Ito aniya ay mas tututukan ang pagbuwag sa mga sindikato ng droga at pagpapalakas ng mga programa sa reeducation.
“We have taken enforcement as far as we can. Now, it is time to look at actually going after dismantling these syndicates,” ayon sa Pangulong Marcos.
Para matiyak na magwawagi ang pamahalaan, magpapatupad ng reeducation, pagpapaliwanag lalo na sa ating mga kabataan kung ano ang pinsalang dulot ng droga sa kanilang buhay.
Hindi lamang ang mga user ang tutulungan kundi mga pusher upang bigiyan ng tiyansa na magbago.
Sinabi ng Pangulo na nag-organisa siya ng isang komisyon at humiling ng pagbibitiw sa lahat ng mga pulis na pinaghihinalaang sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.
Samantala, inamin ng Punong Ehekutibo na nasa proseso na siya ng pagrepaso sa mahigit 900 na courtesy resignation ng 3rd level officer ng Philippine National Police.
Aniya pabor siya sa ginawang hakbang upang malinis na ang hanay ng PNP mula sa droga. EVELYN QUIROZ