SINDIKATO NG ONLINE GAMBLING ‘DI LULUBAYAN – NCRPO

online gambling

TINIYAK kahapon ni Philippine National Police-National Capital regional Police Office Director Guillermo Eleazar na hindi nila lulubayan ang mga sindikato na magtatangka pang magtayo ng ­illegal online ­gambling sa bansa, matapos ang pagkakaaresto sa 87 Chinese at 16 na Filipino sa pagsalakay sa Ortigas Techno Point Building 2 sa Pasig City.

Armado ng search warrant na inisyu ni  Hon Judge Encarnacion Jaja Moya ng RTC Br. 146 NCJR Makati ay sinalakay ng pinagsanib na pu­wersa ng  National Capital Region Police Office (NCRPO)  Regional Special Operations Unit (RSOU) kasama ang PNP Cybercrime Group mula sa Camp Crame Regional Mobile Force Battalion , SWAT NCRPO; at Pasig Police ang Finasia Tech Inc.

Naaktuhan ang mga dinakip na banyaga habang nag-o-operate ng online gambling sa ikalawang palapag ng Finasia na nasa Doña Julia Vargas Avenue.

Ayon sa PNP-NCRPO Public Information Office wala ang subject ng writ na kinilaang sina  Manuel “AJ” Pangilinan at Marie Espiritu nang isa-gawa ang police law enforcement ope­ration.

Nasamsam ang ­ilang desktop computers, laptops, mobile phones, identification cards, at iba pang mga devices na sinasabing gina­gamit sa lllegal gambling ope­rations.      MARIVIC  FERNANDEZ/VERLIN RUIZ

Comments are closed.