MAYNILA – PINATUTUTUKAN at iimbestigahan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga sindikatong nasa likod ng pag-iisyu ng Philippine passport at iba pang identification documents sa mga illegal alien o dayuhan.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga sindikato na umaalalay sa mga dayuhan upang magkaroon ng mga dokumento sa Filipinas ay patuloy pa ring nag-o-operate at ito ay nakababahala para sa seguridad.
Ginawa ni Morente ang pahayag matapos maaresto ang dalawang Indian national ng operatiba ng BI’s Intelligence Division nang ireklamo sila ng concerned citizen.
Kinilala ang inaresto na sina Satbir Sandhu, 25, at Mandish Sandhu, 24, na naaresto sa high-rise condominium sa Mandaluyong City matapos silang magpakilalang mga Filipino.
Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., na si Mandish ay nagpakita umano ng Philippine passport na may pangalang Jeff Sunga Sandhu habang ang kapatid na si Satbir ay nagpakita naman ng Philippine postal ID at Manila Police Clearance sa ilalim ng pangalang Sunny Sunga Sandhu, isang Filipino national.
Dagdag pa nito, ang fingerprints records ng dalawa ay natuklasang dating residente sa Filipinas at gamit ang Indian passports. PAUL ROLDAN/FROI MORALLOS
Comments are closed.