SINGAPORE INSPECTORS VISIT LOCAL HOG, POULTRY  AND FRUIT FARMS

HOG POULTRY

DUMATING sa bansa ang dalawang technical team mula sa Singapore Agriculture and Veterinary Agency (AVA) para sa 10 araw na ins­peksiyon sa mga lokal na gulayan, prutasan gayundin, ang mga babuyan, manukan at egg farms, sa pag­hahanda ng Filipinas para sa pag-e-export ng mga produktong agrikultura sa mga maya­yamang kapit-bansa sa ASEAN.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol, sa isang panayam sa Sugar Summit kamakailan, tumawag sa kanya ang Quarantine and Inspection Group mula sa AVA na pinamumunuan ni Dr. Chua Tze Hoong, Group Director, at Dr. Neo He Sheng, senior veterinarian of the Laborato-ries Group, bago ang ikalawang araw ng kanilang inspeksiyon sa production facilities.

Ipinaliwanag niya na ang inspeksiyon ng mga sakahan sa Filipinas ay unang hakbang sa planong importasyon ng Singapore ng ilang agricultural commodities mula sa ating bansa tulad ng mataas na uri ng gulay at prutas; baboy at mga prosesong produkto ng baboy; dressed chicken and eggs; sea-foods tulad ng puting hipon.

Ipinaliwanag ni Piñol na nagsimula na ang Singapore na tumi­ngin sa ibang bansa ng puwedeng mag-supply ng sa kanilang 6 na mil­yong mama-mayan ng prouktong agrikultura matapos na magbaba ang Malaysia ng kanilang exports. Ang Malaysia ay matagal nang supplier ng itlog at manok sa Singapore.

Ilan sa mga pasilidad na iinspeksiyunin ay ang mga sumusunod: Gemsun Marketing, isang egg layer farm sa Batangas; Novoagri, Inc., egg pro-cessing sa Batangas; Pilmico Layer Farm sa Tarlac; Robina Farm No. 23 sa Naic, Cavite; Ana’s Breeder Farms sa Davao City; Matutum Meat Packing Corp. sa Gen. Santos City; fruits and vegetable farms; Government Quarantine at Sanitary Facilities.

Sinabi ni Piñol, na ang DA ay magsasagawa ng Philippine Agri-Aqua Food Show sa Singapore sa Marso para maipakita ang magagaling na produkto na maihahandog ng bansa sa mala­king merkado na nakadepende sa mga inangkat na pagkain.

Inaasahan din na darating sa Mayo ang delegasyon ng Singapore para gawing pormal ang deal tungkol sa kanilang importasyon ng produktong agrikultura ng bansa, dagdag pa niya.   PNA

Comments are closed.