SINGAPORE INVESTORS LILIGAWAN NG PINAS

TARGET ng Pilipinas na akitin ang marami pang Singapore-based businesses na mag-operate sa bansa.

Sa harap ito ng idaraos na 3rd Philippine-Singapore Business and Investment Summit ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Embahada ng Pilipinas sa Singapore sa April 27.

Tatalakayin ng Cabinet officials, kabilang sina DTI Secretary Ramon Lopez, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Energy Secretary Alfonso Cusi, at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno ang business opportunities sa bansa para sa Singaporean firms.

Ibibida rin ng mga opisyal ng pamahalaan ang monetary policy, business climate, economic growth prospects, at economic reforms na natamo ng Duterte administration.

Bago ang pagtatapos ng termino ni Presidente Rodrigo Duterte sa June 30 ay naipasa na ng kanyang administrasyon ang key economic bills, tulad ng amendments sa Retail Trade and Liberalization Act (RTLA), Foreign Investments Act, at Public Service Act.

Ang mga batas na ito ay inaasahang makaaakit ng foreign investments, kabilang ang mula sa Singaporean companies.May 400 participants, kabilang ang Singapore-based executives mula sa  manufacturing sector; multinational corporations; micro, small and medium enterprises; at business groups, gayundin ang mga miyembro ng diplomatic corps ang dadalo sa business at investment summit.PNA