IBINABA na ng telecom companies ang interconnection charges sa tawag at sa text.
Hulyo 18 pa nilagdaan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang memorandum na nag-uutos sa mga telcos na ibaba ang interconnection charges subalit ipinatupad ito ng telcos nitong unang araw ng Setyembre.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Jed Cabarrios, mula sa dalawang piso at singkwenta sentimos (P2.50) kada minuto ay magiging singkwenta sentimos (P0.50) na lamang kada minuto ang interconnection charge sa tawag.
Samantala, mula sa singkwenta sentimos (P0.50) ay magiging singko sentimos (P0.05) na lamang ang interconnection charge sa text.
Comments are closed.