BAHAGYANG bababa ang singil sa koryente ngayong Hunyo.
Inanunsiyo ng Meralco ang 2.16 na sentimong tapyas sa presyo ng kada kilowatt hour ng koryente.
Sa abiso ng Meralco, ang total rate ngayong buwan ang pinakamababa magmula noong Pebrero 2018.
Katumbas ito ng P4 na tapyas sa bill ng residential customers na kumokonsumo ng 200kWh kada buwan, P6 sa 300kWh, P8 sa 400kWh, at P12 sa 500kWh.
Ayon sa Meralco, ipinasok nila ang Force Majeure provision sa kanilang power supply agreements kaya bahagyang nabawasan ang generation charge.
“Because of the very significant reduction in power demand in its service area during the Enhanced Community Quarantine (ECQ) and Modified ECQ period, MERALCO invoked the Force Majeure provision in its Power Supply Agreements (PSAs) for the duration of the lockdown, reducing fixed charges for generation capacity that would have been charged by suppliers,” sabi ng kompanya.
Comments are closed.