TATLONG buwang sunod na bumaba ang presyo ng koryente, ikatlo ngayong Hulyo, ayon sa anunsiyo ng Manila Electric Co. (Meralco) kahapon.
“Overall electricity rates for a typical household consuming 200 kWh decreased to P9.9850 per kWh this July from P10,0918 per kWh, in June, lahad ng power utility.
“The downward adjustment of P0.1068 per kWh will mean a decrease of around P21 in the total bill. The third straight month of electricity rate decrease represents a total downward adjustment of around P0.57 per kWh since May 2019,” dagdag pa nito.
Nakatulong ang mababang singil mula sa independent power producers (IPPs) para makabawas sa pagtaas ng halaga ng koryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), “stabilizing the generation charge.”
Mula sa P5.4158 per kWh noong Hunyo, bumaba ng kaunti ang generation charge para sa Hulyo, tumaas ng kaunti sa P5.4227 per kWh, at bahagyang tumaas ng P0.0069 per kWh.
“The slight generation charge increase is primarily due to higher charges from WESM, but was mostly offset by the lower charges of IPPs and stable charges of Power Supply Agreements (PSAs),” dagdag pa ng Meralco.
Dahil sa mahigpit na kondisyon ng supply sa Luzon grid, tumaas ang WESM ng P1.8794 per kWh.
“Plant capacity on outage increased as demand for power in the grid peaked at 11,344 MW in June. With limited supply, the number of days on Red Alert as declared by the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) increased to 5 from 2 in May and about one-third of the days in June were under Yellow Alert,” sabi pa ng Meralco.
Ang ng WESM sa pangangailangang supply ng Meralco ay bumaba sa to 8.1%, dagdag pa nila.
Napansin ng power utility na ang halaga ng koryente mula sa IPPs ay bumaba ng P0.2239 per kWh sa malaking kadahilanan sa pagsipa ng piso.
Tinatayang nasa 97% ng IPP ay dollar-denominated. Ang halaga ng koryente mula sa PSA ay nananatili na may kaunting pagtaas ng P0.0414 per kWh. Nagbigay ang IPPs at PSAs ng 41.4% at 50.5% ng supply ng pangangailangan ng Meralco ayon sa pagkakasunod.
Comments are closed.