SINGIL SA KORYENTE PABABABAIN

GUMUGULONG na sa Senado ang panukalang batas na  magpapababa sa singil sa koryente  at lilikha ng  mas maraming  trabaho sa bansa.

Ang Senate bill no. 2247 o ang “An act promoting the development of the Philippine downstream natural gas industry” ay inihain ni Senate Committee onDe Energy  chairman Senator Raffy Tulfo.

Sinabi ni Atty. Gareth Tungol, special legal counsel ni Tulfo, sa pulong ng Senate Committee on Energy Technical Working Group na mas maraming investments ang mailalagak sa bansa sa sandaling ma-develop ang natural gas industry ng Pilipinas na kinalaunan ay magbibigay sa bansa ng national energy security, maibababa ang presyo ng koryente at magkakaloob ng mas marami trabaho sa mga Pilipino.

Layon ng panukala ni Tulfo na magkaroon ng komprehensibo at integrated legislative policy para sa mabilis na pag-unlad  ng natural gas sector  sa bansa.

Iginiit ni Tangol ang pangangailangan ng pagsasabatas sa panukala sa gitna ng pagsisikap na mapalawig ang buhay ng Malampaya gas na nagsusuplay ng 40 porsiyento ng natural energy ng bansa simula noong 2001.

Suportado rin ng Department of Energy ang development natural gas industry sa bansa na kinalaunan ay magpapalago sa power generation industry.

Ipinaalala pa ni Tungol na bukod sa mas makakamura sa konsumo ng koryente sa paggamit ng natural gas, mas makatutulong pa ito sa kalikasan dahil ang paggamit ng coal o uling ay nakasisira sa kapaligiran bukod pa sa makapagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino ang malala­king korporasyon.

VICKY CERVALES