NAPIPINTONG matapyasan ang singil sa koryente ngayong buwan ng Agosto, ayon sa tagapagsalita ng Manila Electric Company (Meralco).
Inihayag ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, na posibleng magkaroon ng bawas sa singil ng koryente dahil sa pagbaba ng presyo ng koryente sa spot market, paghina ng demand, at maayos na reserbang koryente.
Kasali rin umano sa bawas-singil ang paglakas ng piso kontra dolyar.
Dolyar ang gastos ng mga planta sa gasolina kaya bawas-gastos din kapag lumalakas ang piso, ayon kay Larry Fernandez, head ng utility economics ng Meralco.
Dahil sa paglakas ng piso kontra dolyar, posible ring bumaba sa susunod na linggo ang presyo ng petrolyo.
Comments are closed.