INANUNSIYO kahapon ng Manila Electric Company (MERALCO) na matapos ang dalawang magkasunod na buwan na pagbaba ng kanilang singil, ang overall electricity rates ay tataas ng P0.3136 per kWh ngayong buwan.
Para sa mga kumokonsumo ng 200kWh, magkakaroon ng P63 dagdag sa kanilang bill ngayong buwan.
Ang mas mataas na power rate ngayong Hulyo ay bunga ng P0.2823 per kWh na pagtaas sa generation charge.
Ang adjustment ay naglagay sa overall rate sa P10.1925 per kWh mula sa P9.8789 per kWh noong Hunyo.
Ayon sa Meralco, ang paghina ng piso at mas mataas na WESM charges ang nagpataas sa generation charge.
Mula sa P4.9828 per kWh noong Hunyo, ang generation charge para sa buwang ito ay sumipa sa P5.2651 per kWh.
“The increase is the result of P0.3573 per kWh rise in the cost of power from Independent Power Producers (IPPs) due to continued Peso depreciation and lower average plant dispatch. Around 96% of IPP charges are dollar-denominated. The share of IPP purchases to Meralco’s total requirement this month was 38%,” paliwanag ng Meralco.
“Charges from the Wholesale Electricity Spot Market (WESM) also increased by PhP0.7039 per kWh due to higher WESM prices. As demand for power in the Luzon grid reached a record high of 10,876 MW in the June supply month, the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) declared Yellow Alerts from May 29 to June 1 and on June 4 due to insufficient reserves. Tight supply conditions likewise persisted in the second half of the month with more generating capacity on outage,” dagdag pa ng kompanya.
Samantala, ang paghina ng piso kontra US dollar ay nagresulta rin sa P0.1513 per kWh na pagtaas sa halaga ng koryente mula sa Power Supply Agreements (PSAs). Ang 63% ng PSA charges ay dollar-denominated. Ang shares ng WESM at PSAs purchases sa total requirement ng Meralco ngayong buwan ay 13% at 49%, ayon sa pagkakasunod.
Sinabi pa ng Meralco na ang transmission charge sa residential customers ay matatag, habang ang mga buwis at iba pang charges ay tumaas ng P0.0309 per kWh ngayong buwan bunga ng mas mataas na higher generation charge.
Hindi naman nagbago ang distribution, supply, at metering charges ng Meralco sa loob ng 36 buwan makaraang makapagtala ito ng pagbaba noong Hulyo 2015. Iginiit ng kompanya na hindi ito kumikita mula sa pass-through charges, tulad ng generation and transmission charges. Ang kabayaran sa generation charge ay napupunta umano sa power suppliers, habang ang kabayaran sa transmission charge ay sa NGCP. Ang mga buwis at iba pang public policy charges gaya ng FIT-All rate ay nire-remit naman sa gobyerno.
Comments are closed.