SINGIL SA KURYENTE BABABA NGAYONG HUNYO –MERALCO

MERALCO

INIHAYAG ng Manila Electric Co. (Meralco) kahapon na ang overall electricity rate para sa buwan ng Hunyo ay bababa ng P0.1252 per kWh para sa isang tipikal na sambahayan.

Ang mababang rate ngayong Hunyo ay dahil nagresulta ng P0.1556 per kWh pagbaba ng generation at transmission charges, na mas nagpagalaw ng P0.0733 per kWh na dagdag sa Feed-In Tariff Allowance o FIT-All.

Ito ang pangalawang magkasunod na buwan ng pangkalahatang rate ng pagbawas, ayon sa Meralco.

“The adjustment this month brings down the overall rate to P9.8789 per kWh from May’s P10.0041 per kWh, equivalent to a decrease of around P25 in the bill of a residential customer consuming 200k Wh.”

MABABANG SINGIL

Mula P5.0523 per kWh nitong Mayo, ang generation charge ngayong Hunyo ay bababa ng P4.9828 per kWh.

Ang pagbaba ay resulta ng P0.4420 per kWh na bawas sa halaga ng kuryente mula sa Power Supply Agreements (PSAs), dahil sa mataas na dispatch ng Pagbilao Unit 1 and Ilijan Unit 1.

Bumalik sa normal na operasyon ang dalawang power plants matapos dumaan sa nakaiskedyul na maintenance.  Ang bahagi ng PSA purchases sa total requirement ng Meralco ngayong buwan ay 45 percent.

Ang singil mula sa  Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Independent Power Producers (IPPs) ay nagtaas ng P0.1954 per kWh at P0.2266 per kWh, ayon sa pagkakasunod.

Sa pagtaas ng demand para sa kuryente sa Luzon grid ay lumago ng nasa 239 MW, ang singil mula WESM ay nagtaas dahil sa mataas na effective rates of line rentals.

Ang mataas na IPP charges, sa kabilang banda, ay dala ng paghina ng piso kontra sa dolyar.

Nasa 96 percent ng IPP charges ay dollar-denominated. Ang bahagi ng WESM at IPP purchases sa total na requirement ng Meralco ngayong buwan ay 15 percent at 40 percent, ayong sa pagkakasunod.

IBA PANG SINGIL

Ang transmission charge para sa residential customers ay bumaba ng P0.0861 per kWh dahil sa mababang NGCP Power Delivery at Ancillary Service Charges. Sa mababang generation at transmission charges, bumaba rin ang buwis at iba pang charges ng P0.0429 per kWh ngayon buwan.

Ngunit simula ngayong buwan, ang FIT-All rate ay tataas ng P0.2563 per kWh, matapos na aprubahan ng Energy Regulatory Commission ay tumaas ng P0.0733 per kWh mula sa nakaraang rate.

Ang FIT-All ay isang pass-through charge na inire-remit sa National Transmission Corporation (TransCo) bilang insentibo sa renewable energy (RE) developers—o iyong nagpapatakbo ng hangin, solar, biomass, at run-of-river hydropower facilities.

Sinabi ng Meralco na ang kanilang distribution, supply, at metering charges ay nanatiling walang pagbabago sa nakaraang  35 buwan matapos marehistro ang pagbabawas noong Hulyo 2015.

Inulit ng kompanya na hindi sila kumikita sa pass-through charges, tulad ng generation at transmission charges, sabay sabing ang generation charge ay napupunta sa power suppliers habang ang transmission charge ay napupunta sa NGCP.

Ang buwis at ibang public policy charges tulad ng FIT-All rate ay ini­reremita sa gobyerno.

Comments are closed.