INANUNSIYO ng Manila Electric Co. (Meralco) ang bawas-singil sa kuryente ngayong Mayo dahil sa pagbaba ng generation at transmission costs.
Ang pagbawas ng P0.5436 per kWh para sa isang sambahayan ay magbibigay ng overall rate na P10.0041 bawat kWh o ang pagbawas ng P109 sa buwanang singil para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh bawat buwan.
Ang adjustment ay bunsod ng P0.4212 na bawasa bawat kWh sa generation charge na magreresulta sa P5.0523 bawat kHw mula sa P5.4735 bawat kWh noong Abril, pahayag ng Meralco.
Nabawasan ng P1.0139 per kWh ang singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa kabila ng mataas na demand sa kuryente sa Luzon grid, dahil sa ilang planta na naunang magkaroon ng scheduled maintenance shutdown going back online. Ang bahagi ng WESM purchases sa pangkalahatang requirement ng Meralco ngayong buwan ay 22 porsiyento.
Bumaba rin ang gastos ng kuryente mula sa Independent Power Producers (IPPs) ng P0.5920 bawat kWh dahil sa pagbalik ng Quezon Power sa normal na operasyon mula sa kanilang scheduled maintenance.
Ang pagbabago sa average plant dispatch ng higit sa nabawas na upward adjustment dahil sa mataas na Malampaya natural gas prices na nagresulta mula sa quarterly repricing na nakita sa huling paggalaw ng langis sa pandaigdigang merkado. Nagbigay ang IPP ng 45% ng total energy requirement ng Meralco.
Samantala, ang pagbili galing sa Power Supply Agreements (PSAs) ay nadagdagan ng P0.2096 bawat kWh dahil sa scheduled maintenance outage ng Pagbilao Unit 1 at Ilijan Unit 1 at ang quarterly repricing ng Malampaya natural gas. Ang bahagi ng pagbili ng PSA sa buong pangangailangan ng Meralco ngayon buwan ay 33%.
Bumaba ng bahagya ang transmission charge sa mga residential customers ng P0.0096 bawat kWh. Sa mababang lower generation at transmission charges, bumaba rin ang ibang charges ng P0.1128 bawat kWh ngayong buwan.
Samantala, nanatiling walang pagbabago sa distribution, supply, at metering charges ng Meralco sa 34 buwan, matapos itong magrehistro ng pagbabawas noong Hulyo 2015. Muling sinabi ng Meralco na hindi sila kumikita sa pass-through charges, tulad ng generation at transmission charges. Ang bayad sa generation charge ay napupunta sa power suppliers, habang ang bayad sa transmission charge ay napupunta sa NGCP. Ang buwis at ibang public policy charges tulad ng FIT-All ay inireremit sa gobyerno.
Samantala, inilagay ng Meralco sa standby ang mahigit na 180 generator sets para sa May 14 polls. Ang mga generator sets na ito ay para makapagbigay ng basic lighting sa polling at canvassing places kung biglang magkaroon ng di inaasahang power interruptions. Mahigit na 300 floodlights ay ihahanda rin para sa deployment at gamit sa mga emergency.
Sa May 14, magkakaroon ang Meralco ng 500 responding crews, na magtatrabaho ng 24/7 para masiguro na ang Meralco ay handa sa pagresponde sa anumang magiging sakuna.
Inanunsiyo ng Meralco na natapos na nila ang kanilang inspeksiyon sa polling at canvassing centers na kanilang nasasakupan, at gumawa na ng kinakailangang rekomendasyon sa kanya-kanyang eskuwelahan at building administrators para mabigyan ng lunas ang maaring maging problema. LENIE LECTURA
Comments are closed.