SINGIL SA PETROLYO MAY TAPYAS SA SUSUNOD NA LINGGO

PETROLYO

POSIBLENG magkaroon ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, base sa mga lumalabas na report.

Pero mas maliit umano ang inaasahang bawas-presyo sa darating na linggo kompara sa bawas-presyong ipinatupad ngayong linggo.

Mula Lunes hanggang Miyerkoles, higit P1 ang ibinagsak sa pres­yo ng inangkat na gasolina habang lagpas P0.70 naman sa diesel.

Pero maaari pang mabago ang galaw sa presyo depende sa hu­ling dalawang araw ng trading sa pandaigdigang merkado.

Noong Martes, nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng bawas-presyo sa petrolyo, ang ikalimang sunod na linggong nagkaroon ng bawas-presyo.

Nasa P2 ang bawas sa kada litro ng gasolina, P2.30 hanggang P2.50 naman sa kada litro ng diesel at P1.85 sa kada litro ng kerosene, ayon sa abiso ng mga kompanya.

Mula Oktubre 15 hanggang Nobyembre 15, naglalaro sa P7.70 hanggang P7.80 kada litro ang nabawas sa pres­yo ng gasolina.

Naglalaro naman sa P5.05 hanggang P5.15 kada litro ang bawas sa diesel.

Comments are closed.