SINGIL SA TUBIG MAY TAPYAS SA ABRIL— MWSS

TUBIG-2

INANUNSIYO ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na may tapyas o bawas sa singil ng tubig ang Maynilad at Manila Water sa Abril.

Ito ay bunga ng mas mababang foreign currency differential adjustment (FCDA) sa second quarter ng 2019 o mula Abril hang-gang Hunyo. Ang FCDA ay pagbabago sa bayad bunsod ng palitan ng piso kontra dolyar at yen.

“Dahil malakas ang ekonomiya at nag-a-appreciate ang peso laban sa dollar at yen,” ani MWSS Chief Regulator Patrick Ty.

Para sa second quarter, o susunod na tatlong buwan, nasa P0.07 kada cubic meter ang bawas sa FCDA ng Maynilad, habang P0.31 naman sa Manila Water.

Kapag nagtuloy-tuloy umano ang paglakas ng piso hanggang Marso, posible ring magkaroon ng bawas sa FCDA sa third quar-ter o mula Hulyo hanggang Set­yembre.

“If continuous ang appreciation ng peso laban sa dollar and the yen sa March… then it will be beneficial to our consumer,” ani Ty.

Comments are closed.