KILIG moments ang handog ng Post Office “Singing Karteros” upang sorpresang maghatid ng bulaklak, greeting cards at love letters sa Araw ng mga Puso.
Patuloy na nag-aanyaya ang PHLPost sa magkakapamilya, mga magkakaibigan at magsing-irog na subukan ang kakaibang “Valentine’s Day” gimik na ito upang ibalik ang kakaibang tradisyon ng mga Pilipino, ang “Harana”.
Sa proyektong Express Pada-LOVE, ang customer ay maaari rin mag-preorder ng kanyang napiling ipadala sa “one-stop shop” na nakaistasyon sa lobby ng Manila Central Post Office kung saan makakapamili ng mga bulaklak, tsokolate, greeting cards, stuffed toys, at iba pang Valentine novelties sa abot-kayang halaga.
Ang espesyal na Valentine’s Day service ay available din sa Iloilo City (Area 6), Cagayan De Oro City (Area 8) Tuguegarao City (Area 1), Cebu City (Area 5) at Davao City (Area 7).
Gayundin, maaaring mag-order via online sa: https://www.facebook.com/profile.php?id=100088016513954, o tumawag sa Mobile No. 0927-2450837 o 8527-01-35 at kay Ms. Liever Briones sa 0915-9418196.
Sa halagang P2,500 package, puwede nang mapakinggan ang mga awiting inihanda ng mga piling kartero ng PHLPost, kasama na ang mga bulaklak, greeting card at mail delivery sa kanilang napiling petsa ng pagpapadala.
Kasabay din nito, inilunsad ang 2023 Valentine’s Day “Pupusuan Kita” Stamp at greeting cards sa mala-romantikong Venice Grand Canal Megaworld Lifestyle Mall sa McKinley Taguig City nitong Biyernes ng tanghali sa Ponte Lobby ng naturang mall. VERLIN RUIZ