BULACAN- ISANG single mom ang nasa malubhang kalagayan makaraang pagsasaksakin ito ng isang adik na magnananakaw sa Barangay San Sebastian sa Hagonoy nitong Linggo ng gabi.
Base sa report ni Major Neil Cruzado,Chief of Police ng Hagonoy Municipal Police Station(MPS),ang biktima ay nakilalang si Aileen Fernando y Dalora,43-anyos na nakatira sa Sitio Sucol Gitna,Barangay San Sebastian,Hagonoy Ang patuloy na inoobserbahan sa pagamutan bunga ng mga saksak sa kanyang ulo at katawan.
Nadakip naman ang suspek na si Joemarie Mora y Martin,29-anyos at kapitbahay ng biktima na nahaharap ngayon sa kasong kriminal na isang drug user at nalulong sa E-Sabong kaya nagawang magnanakaw.
Nabatid na pasado alas-8 ng gabi nitong Linggo nang maganap ang insidente kung saan nanggaling sa isang okasyon sa kalapit na Barangay ang biktima at pinsan nito. Nang pumasok sila sa kanilang tahanan ay nakita ng biktima ang suspek na nagtatago sa kubeta.
Dito na nagkaroon ng kaguluhan at humantong sa pagsusuntukan ang dalawa habang humingi ng tulong sa mga kapitbahay ang kaanak ng biktima hanggang sa bumunot ng patalim si Mora at pinagsasaksak sa ulo at katawan si Fernando na duguang humandusay.
Mabilis na tumakas ang suspek sa pag-aakalang napatay niya ang biktima na mabilis na naisugod sa E.G.Perez Memorial Hospital kung saan nasa kritikal na kondisyon.
Nakorner naman ng nagrespondeng awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal sa piskalya sa Malolos City. MARIVIC RAGUDOS