SINGLE TICKETING SYSTEM NILAGDAAN NG 17 MAYORS

NILAGDAAN na ang single ticketing system na nagpapairal ng mga panuntunan o batas trapiko sa Metro Manila.

Kahapon ay nilagdaan na ang memorandum of agreement (MOA) ng mga mayor ng Metro Manila, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) na naglalayong magpatupad ng isang sistema ng pag-ticket sa mga lumalabag sa batas trapiko ng 17 Metro Manila Local Government Units (LGUs).

Una nang inaprubahan ng 17 alkalde sa NCR ang Metro Manila Traffic Code of 2023 na tumutukoy sa 20 common traffic violations na may katumbas na multa.

Sa nilagdaang MOA, hindi na mahihirapan ang traffic violator sa Metro Manila dahil maaari ng magbayad ng multa sa pamamagitan ng digital payment, platforms at e-wallets.
ELMA MORALES