SINGLE-USE PLASTICS BAN ISINULONG SA CONGRESS

Marian Ledesma

IPINASA na ng House of Representatives ang House Bill 9147 o Single-Use Plastics Regulations Act sa ikatlo at pinal na pagbasa.

Ayon kay Greenpeace Campaigner Marian Ledesma, nagpapasalamat silang naipasa na ito dahil nangangahulugang mawawala na ang mga single-use plastic products at mababawasan na rin ang mga basurang bumabara sa mga kanal na nagiging sanhi ng pagbaha.

Isa itong mensahe sa mga plastic manufacturers na dapat silang maging responsible upang mabawasan ang problema sa plastic sa bansa.

Hinihiling naman ngayon ng Greenpeace sa mga senador na tapatan ang batas na ipinasa ng mga mambabatas. Ito na umano ang panahon para masolusyunan na ang matagal nang problema ng Metro Manila.

Nanawagan rin ang Greenpeace kay President Rodrigo Duterte na gumawa ng aksyon upang ipatupad ang environmentally sound national ban ng single-use plastics (SUPs) upang mapangalagaan ang mga Filipino.

Ayon sa Center for International Environmental Law, ang incineration at production ng plastic ay umaabot na sa 850 nillion metric tons ng greenhouse gas emission sa ngayon, o katumbas ng 189MW coal plants. Kung mababawasan ito dahil sa naipasang batas, malaki ang maitutulong nito sa pagsasalba ng kalikasan. – KAYE NEBRE MARTIN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *