EPEKTIBO sa Hunyo, bawal na ang single-use plastics sa Parañaque City, batay sa ordinansang No. 18-40 series of 2019.
Ayon sa City Environment and Natural Resources (CENRO), ang ban sa single-use plastics ay pagbabawalan ang lahat ng mga establisimiyento na gumamit ng styrofoam, plastic bags, straws, spoons and forks, cups at stirrers.
Ayon pa rin sa ordinansa na tanging ang manufacturers lamang ang papayagan na gumamit ng plastic para sa packaging.
Ang mga supermarket at public market vendors naman ay kailangang gumamit ng biodegradable plastic.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P5,000 sa kada paglabag at sa ikatlong paglabag, bukod sa multang P5,000 ay kakanselahin ang kanilang business permit at ipasasara ang establisimiyento.
Layon ng ban sa single-use plastic na mabawasan ang problema ng bansa sa plastic waste. MARIVIC FERNANDEZ