CAMP CRAME – “MALAMANG ay i-deploy sa Mindanao ang 10 pulis na sinibak sa Bulacan.”
Ito ang naiisip na hakbang ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde hinggil sa kaso ng mga police personnel na inaresto bunsod ng pagkasangkot sa extortion activities.
Aniya, ipadala o ire-assign sa mga lugar na kulang sa police personnel gaya sa Mindanao ang “kotong cops” ng Bulacan.
Sa record, dinakip at sinibak sina Sr. Insp. Wilfredo Dizon Jr., SPO4 Gary Santos, SPO2 Christopher Aragon, SPO1 Dante Castillo, SPO1 Jophey Cucal, SPO1 Rolando Ignacio Jr., PO3 Dennis De Vera, PO2 Rosauro Enrile, PO2 Nicanor Bautista at PO2 Chester Sayeo nang masangkot sa extortion activities kung saan humihingi ang mga ito ng P50,000 kapalit ng kalayaan ng kanilang hinuling suspek.
Kasong kidnapping, robbery at violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kinakaharap ng mga ito at kasalukuyang nasa holding unit ng PNP.
Kasunod nito ay nagbabala si Albayalde sa mga kotong cop na bilang na ang kanilang mga araw dahil sisiguraduhin niya na mahuhuli ang mga ito.
Dagdag pa ng PNP chief, seryoso siya para linisin ang kanilang organisasyon ng mga police scalawags.
” We are dead serious in our internal cleansing dito sa pagdidisiplina sa mga mangilan-ngilan pa sa aming hanay at we will show no mercy and zero tolerance tayo riyan sa mga gumagawa pa ng ilegal sa aming hanay,” ayon pa kay Albayalde. EUNICE C.
Comments are closed.