PINABALIK na sa trabaho ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang sinibak na intelligence chief ng Armed Forces of the Philippines na si Maj. Gen. Alex Luna at Civil Military Operations (CMO-J7) chief Maj. Benedict Arevalo.
Matapos ang halos dalawang buwang imbestigasyon ay napatunayang walang kinalaman sa red tag list ang dalawang opisyal.
Ayon sa kalihim, pinagre-report na niya sina Luna at Arevalo subalit, pinaalalahanan na iwasang maulit kahalintulad na insidente.
Gayunpaman, nilinaw ni Lorenzana na hindi pa “cleared” sa liability ang dalawang heneral bagkus sila ay naparusahan dahil sa command responsibility.
Inamin din ng Defense secretary na binigyan diin nito ang magandang record ng dalawa at hahanapin ang katotohanan sa kanilang pagkukulang.
“I have exhaustively reviewed the case involving Maj. Arevalo and Maj.Luna from the reports submitted to me, I believe that both men were not directly responsible for the lapse over the publication of the unverified and unofficial list of UP students who have been linked with left-leaning groups. I am not completely clearing them of liability, in fact they were punished under the principle of command responsibility. Their track records would show that they have always performed their duties conscientiously and competently,” ani Lorenzana.
Naniniwala si Lorenzana sa “second chances” dahilan kaya pina-reinstate niya sa puwesto ang dalawang heneral na nadamay lamang sa hindi nila kasalanan kaya’t nararapat lamang na bigyan sila ng panibagong pagkakataon.
Matatandaan na sinibak sa puwesto ni Lorenzana si Luna noong Enero 28 matapos malathala ang isang listahan ng mga indibidwal na na-red tag bilang miyembro ng NPA at napatay ng militar sa operasyon.
Si Arevalo naman, bagaman hindi siya sinibak sa puwesto ay kusa itong nagbitiw dahil sa kontrobersiya dahil ang kaniyang opisina ang nag-publish ng nasabing listahan.
Ang nasabing red tag list ay nagmula sa opisina ni Luna. EUNICE C
I don’t know if it’s just me or if everybody else encountering
issues with your blog. It appears as if some of the text on your posts are running off the screen. Can someone else
please provide feedback and let me know if this is happening to them as well?
This may be a problem with my web browser because I’ve had this happen previously.
Cheers