“We’re proud of your accomplishments and the person that you’ve become and we all know that you’ve worked incredibly hard to graduate, and now the world is yours for the taking!. We love you Anak”, ito ang pagmamalaking mensahe ng inang si Haidee sa kanyang anak.
Ang Filipino-American na si Police Officer I, Terrance Montano Boltz, 21 taong gulang, ay kasalukuyang nakaduty ngayon sa NorthEast Side of Las Vegas matapos ang matagumpay na pag-aaral sa Las Vegas Metropolitan Police Academy.
Subalit ang Fil-Am na pulis pala ay may paboritong ulam?
Ang ating ipinagmamalaking lutong-Pinoy na sinigang at tinola. Madalas kasi siyang ipinagluluto ng kanyang ina ng lutuing ito.
Kakaiba raw ang dalang sarap nito na hindi matitikman saan mang kainan sa Amerika.
Bagamat sa California ipinanganak si Police Officer I, Terrance Montano Boltz ay bihasa rin naman siya sa wikang Tagalog. Tinuturuan siya ng kanyang ina ng mga mabubuting asal at pag-uugali.
Kaya’t taglay pa rin niya ang ugaling Pinoy kahit na nasa Amerika siya.
Si Police Officer I, Terrance Montano Boltz ang naitalang pinakabatang nagtapos sa Las Vegas Metropolitan Police Academy. At panganay sa tatlong anak ng mag-asawang Haydee Montano Boltz at Frederick C. Boltz.
SID SAMANIEGO