(Siniguro ng DTI sa publiko) SUPPLY NG N95 MASKS TULOY-TULOY

Ramon Lopez

SINIGURO ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary and Board of Investments (BOI) Chairman Ramon Lopez sapubliko na magkakaroon ng tuloy-tuloy na supply ng N95 face masks at N88 surgical masks sa merkado sa tulong ng nag-iisang manufacturer ng medical masks, ang Medtecs International Corporation Limited.
Nakapagbigay na sila ng donasyon na 2,000 N95 habang 100,000 N88 na facemasks ang ibibigay sa mga apektadong lugar.
“The public should not worry as DTI is working to ensure the supply of reasonably-priced N95 face masks will be made available to the public to protect them from the ashfall generated by the Taal Volcano eruption,” sabi ni Trade Secretary Lopez.
Nakipagkita si Sec. Lopez at DTI Undersecretary and BOI Ma­naging Head Ceferino S. Rodolfo sa Medtecs matapos na magbigay ang kompanya ng 2,000 piraso ng FFP2-N95 face masks at 100,000 piraso ng N88 surgical face masks bilang donasyon sa mga apektadong lugar sa Region IV-A sa pamamagitan ng DTI regional offices.
Kinumpirma ng Medtecs na magsu-supply sila ng 400,000 pang piraso ng FFP2-N95 face masks mula sa kanilang mother company sa abroad sa susunod na linggo. Mayroon din silang dalawang milyong piraso ng N88 surgical masks na nakahanda para ipamigay na galing naman sa kanilang planta sa Bataan.
Pinasalamatan ni Sec. Lopez ang Medtecs—isang healthcare product and services provider na nagbebenta ng malawak na klase ng medical products sa US, Europe, at sa Asia Paci­fic region, at nag-iisang manufacturer ng medical face masks sa Filipinas—para sa pagtulong noong krisis. Nakapagbigay na ang Medtecs ng total 12,000 FFP2-N95 face masks at 500,000 N88 surgical masks para sa mga apektado ng pagputok ng bulkan.
“While we are conducting price monitoring operations to certify that there is no overpricing of medical face masks, we are safeguarding the production of critical products needed to address the calamity through a program of incentives in the 2020 Investments Priorities Plan as well,” dagdag ni Sec. Lopez.
Nangako si Medtecs Chief Financial Officer and Director Wilfrido C. Rodriguez na magsu-supply sila ng kinakailangang medical masks at sinabi na makakapagprodyus pa sila ng maraming orders. Sinabi pa nila na hindi sila nagtaas ng presyo sa FFP2-N95 face masks na may nakalaan pa para sa pagbili ng Suggested Retail Price (SRP) na Php60 sa pamamagitan ng kanilang hotline number (632) 8817-9000.

Comments are closed.