(Siniguro ni Año ang publiko) PORK PRODUCTS ASF-FREE

Eduardo Año

BINIGYAN ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government ang lahat ng lokal na opisyal na sundin ang guidelines ng galaw, distribusyon at pagbebenta ng processed meat pro­ducts, kaysa magpataw na lamang outright ban sa lahat ng pork meat pro­ducts.

Nag-isyu ng memorandum si Secretary Eduardo Año na nag-aabiso sa mga gobernador, mga mayor ng siyudad at bayan, kapitan ng mga barangay at iba pang opisyal na lokal na ang processed meat products na nagtataglay ng baboy bilang sahog “either partially or fully” ay dapat payagan na maibahagi at ibenta sa lahat ng probinsiya basta sila ay nauna nang initin o lutong-luto.

Binanggit niya ang pagsunod ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) sa  internationally-accepted standards na ang kanilang produktong de lata ay niluto na 116 degrees Celsius na hindi bababa sa  60 minuto, at ang kanilang hotdogs ay proseso o pinainitan sa pinakamataas na temperatura na hindi bababa sa 72 degrees Celsius ng higit sa isang oras.

Siniguro rin ng DILG ang publiko na ang pamaskong hamon ng PAMPI at bacon ay niluto ng 72 degrees Celsius ng higit din sa isang oras, at ang kanilang  smoked and cooked pork sausages ay niluto ng 72 degrees Celsius ng 40 minuto.

Nag-isyu ang DILG secretary ng memorandum para sa public interest, at ang proteksiyon ng consumers, retailers, distributors, dry at cold storage operators, hog raisers, meat processors at manufacturers, at   ibang  stakeholders mula sa “any unwarranted disruption in the flow of trade and commerce across the country, and the country’s economy.”

Sa pagpasok ng pork processed meat products, ang isang local government unit (LGU) ay puwedeng mag-demand ng sertipikasyon mula sa Land Transportation Office o mula sa  Food and Drug Administration.

Dahil ang meat processors ay matagal nang gumagamit ng imported pork, dapat makapagpresenta ang manufacturer ng veterinary health certificate ng exporting country, sanitary at phyto sanitary permit, at ang import permit mula sa  Department of Agriculture.

Sa ilalim ng guidelines ni Año, “if the pork is sourced from local producers, a document issued by the National Meat Inspection Service (NMIS) authorizing its movement or use for production of processed meats.”

Higit pa rito, “for processed meat products using pork as material but do not undergo heat treatment of full cooking, such as tocino, fresh longganisa, tapa and the like, a certification from the NMIS expressing the local origin of the pork material should be presented.”

Para mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever sa bansa,  sinabi ng DILG na ang materyales para sa imported meat para sa  processed meat ay dapat kumuha ng permit at sertipikasyon mula sa Department of Agriculture na itong mga nakuhang karne ay galing sa mga bansa na ASF-free.

Comments are closed.