SINIMULAN na ng World Health Organization (WHO) ang pag-iimbestiga kung saan nagmula at kung paano kumalat ang coronavirus disease (COVID-19) sa bansang China.
Kasama sa investigation panel ang 12 international experts ng WHO at ilang national experts mula sa mismong sa nasabing bansa.
Gayundin, nakatakdang bumisita ang mga ito sa tatlong probinsiya ng China kung saan posibleng pinagmulan ng naturang virus.
Samantala, hindi naman kasama ng mga grupo na mag-iimbestiga sa China ang US centers for diseases control and prevention na nauna nang nag-alok ng tulong simula pa noong buwan ng Enero. DWIZ 882
Comments are closed.