KINUMPIRMA ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Colonel Jean Fajardo na nagsimula nang mag-isyu ng National Police Clearance sa mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) worker sa bansa.
Sa pahayag ni Fajardo, sinabi nito na sinimulan na pang issuance ng NPC sa Region 3 kung saan nagkaroon sila ng caravan para sa POGO companies.
“Nagstart ngayon ‘yung caravan natin ng national
police clearance for POGO companies. Nag-start po tayo sa Region 3, sa NCR at sa 4A meron din,” ayon kay Fajardo.
Ang Directorate for Investigation and Detective Management ang nangangasiwa sa pag-iisyu ng NPC.
“So ang PNP NHQ particularly the DIDM nagpadala po ng mga teams doon sa mga kanya kanyang areas doon sa mga POGO na nag avail at nagsignify doon sa mga police clearance caravan natin,” dagdag pa ni Fajardo.
Layunin naman ng NPC issuance sa POGO workers ay magkaroon ng record ang PNP sa mga dayuhang nagtatrabaho sa mga POGO company.
Layon din nito na mabigyanng protection ang mga dayuhang POGO worker laban sa laganap ng kidnapping na umano’y karaniwang kagagawan din ng kanilang kababayan. EUNICE CELARIO