BULACAN- MAKASAYSAYANG pagkakataon para sa lalawigan dahil dito isasagawa ang FIBA Basketball World Cup 2023 na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue.
May seating capacity na 55,000,ang Philippine Arena, idinaos kahapon ang opening day doubleheader ng Group A na naglalayong makapagtala ng bagong attendance record para sa World Cup bilang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.
Kabilang sa Group A doubleheader ang first round match sa pagitan ng Angola at Italya sa ganap na alas-4:00 ng hapon at Dominican Republic at Pilipinas sa ganap na alas-8:00 ng gabi.
Ayon kay Gob. Daniel Fernando, malaking kasiyahan at karangalan na mapili ang probinsya na pagdausan ng isang top-tier na World Cup na sasaksihan ng buong mundo.
Ang Pilipinas ang pangunahing host kasama ang mga bansang Japan at Indonesia na napiling manguna sa tournament ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, Japan Basketball Association at ang Indonesian Basketball Association.
Bunsod nito, una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang suspensyon ng klase sa lahat ng lebel sa mga pampublikong paaralan at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno upang bigyang-daan ang seremonya ng pagsisimula ng FIBA Basketball World Cup 2023. THONY ARCENAL