(Mula kaliwa): SM Supermalls’ Vice President for Corporate Marketing Grace Magno, Zonta International Foundation for Women District 17 Ambassador Armita Rufino, Zonta Club of Makati and Environs (ZCME) Past President Maritess Pineda, Zonta International Past President Olivia Ferry, ZCME Vice President Joanne Zapanta-Andrada, BDO Unibank Vice President at Head of Sustainability Office Marla Alvarez, BDO Private Bank Executive Vice President at Head of Wealth Management Group Stella Cabalatungan, ZCME President Rosario Abaya, SM Supermalls’ President Steven Tan, BDO Unibank Senior Vice President at Head of Cash Management Services, Transaction Banking Group Carlo Nazareno, at BDO Unibank First Vice President at Officer in Charge for Marketing Communications Group Hannah Lopez
Sa pagdiriwang ng sining, pagsulong sa kababaihan, at likas na kahusayan ng mga Filipina artist, itinampok ng BDO Unibank, Inc. at SM Supermalls, sa pakikipagtulungan ng Zonta Club of Makati and Environs, ang kauna-unahang national art competition para sa mga kababaihan sa bansa – ang Sining Filipina.
Layunin ng makasaysayang kompetisyon na ito, na magbigay-daan para sa mga Filipina na maipamalas ang kanilang talento sa larangan ng sining, maitaguyod ang pagka malikhain, at mapalawak ang kasanayan sa sa iba’t-ibang uri ng sining. Inaanyayahan ng Sining Filipina ang mga kalahok na ipakita ang kanilang natatanging pananaw hinggil sa makabagong kababaihan, sa mga kategoryang Figurative at Non-Figurative.
Ang mga kalahok ay kinakailangang magsumite ng kanilang orihinal na likhang-sining, na may buong konsepto at sariling gawa. Hindi lamang magbibigay ng pagkilala, may kaakibat ding cash prize na aabot hanggang sa P250,000 para sa mananalo ng First Place. Ito ay mahalagang tulong sa kanilang pagtahak sa landas ng sining.
Kung interesado, bisitahin lamang ang https://zontaclubme.com/sining-filipina/ para sa proseso ng pagsali at mga gabay. Bukod dito, maari rin mag-inquire sa [email protected].
Ang proyektong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng BDO Unibank, Inc., SM Supermalls, at Zonta Club of Makati and Environs sa pagtataguyod ng pambansang talento ng mga Filipina artist. Bilang pagsuporta, layunin ng kompetisyon na patibayin ang mga tinig at pangarap ng mga kababaihan sa larangan ng sining.
Sama-sama nating ipagdiwang ang galing sa paglikha ng mga Filipina – hinihintay ng Sining Filipina ang iyong obra maestra!
Para malaman ang iba’t-ibang kaganapan sa SM Supermalls, bisitahin ang https://www.smsupermalls.com/ o i-follow ang @SMSupermalls sa social media.