SINING, KULTURA PASOK NA RIN SA PHIL. NAVY

PUMASOK n rin ang Philippine Navy sa larangan ng sining at kultura sa ilalim ng Philippine Navy Affiliated Reserve Unit (PNARU) program.

Ito ay matapos na lumagda ang Philippine Navy (PN) at Tagapagtaguyod ng Sining at Kultura ng Pilipinas (TSKP) sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa PN headquarters sa Maynila para pormal na maging kabahagi ng PNARU program ang TSKP.

Mismong si Flag Officer in Command, Vice Adm. Adeluis Bordado ang nanguna sa ginanap na MOA signing kasama sina TSKP Founding Trustee

Chairperson, Atty. Tranquil Gervacio Salvador III at TSKP Founding Trustee President Flordeliza Villaseñor na sinaksihan ng piling PN unit commanders and staff officers.

Nabatid na ang TSKP ay may malaking papel na ginampanan sa restoration ng Philippine Navy Museum sa Fort San Felipe, Cavite City, at maging sa ginanap na 3rd Philippine Arts Summit.

“Answering the call of duty and service”, pinasalamatan ni Bordado sina Dr Villaseñor at Atty Salvador kasabay ng pagkilala sa ilang successful collaborations sa pagitan ng Navy at TSKP lalo na sa larangan ng

kultura at sining.
“This unique connection between the Navy and the TSKP is formally amplified and solidified with this MOA Signing activity. Now, we can find more opportunities and avenues to vigorously work together on the same objective, which is to find more innovative ways to contribute to national development and government security initiatives…Again thank you to TSKP for partnering with us and for placing your trust in the Philippine Navy,” ani Bordado. VERLIN RUIZ