SINING NI BOTICELLI: Simonetta lihim na pag-ibig

Si Sandro Botticelli ay isang Ita­lian painter noong Renaissance period na isinilang noong March 1, 1445 — isang Pisces.

Isang napakagandang babae ang paulit-ulit na iginuguhit niya sa kanyang mga obra — parang katulad ng Mona Lisa ni Leonardo da Vinci. I mean, hindi kamukha, ngunit may lalim at taglay na lihim.

Ang modelo ni Botticelli sa sikat na “Birth of Venus” ay ang magandang si Simonetta Vespucci. Mukha rin ni Simonetta ang iginuhit ni Botticelli sa isang art banner, at minsan siyang tinanghal na “Queen of Beauty” sa isang tournament sa Florence. Ang art banner ay iwinawagayway ng nanalo sa  tournament na si Giuliano de’ Medici, kalaunan ay naging kasintahan niya.

Mula nang duma­ting siya sa Florence, binansagan si Simonetta na “La Bella Simonetta.” Nakaakit siya ng atensyon ng mga manunula at artists tula ni Botticelli. Napakaraming tagahanga ni Simonetta, at lahat sila ay nagpakita ng kanilang galing, mapansin lamang ng magandang binibini.

Sa edad na labinlima (15), nagpakasal si Simonetta sa pinsang si Amerigo Vespucci, ang sikat na Italian explorer na nakadiskubre sa America, at kung saan kinuha ang pa­ngalang America.

Unang nagkita sina Simonetta at Botticelli sa party ng pamilya Medici. Mga prominenteng pulitiko sila at mga art patrons din. Nakapunta si Simonetta sa party dahil sa family connectios ng mga Vespucci. Mag-asawa na sila noon ni Amerigo.

Sadyang kakaiba ang kagandahan ni Simonetta. Siya ang re­presentasyon ng Italian Renaissance concept of ideal beauty. Napakaha­laga nito sa mga artists na tulad ni Botticelli, na nag-aakalang ang panlabas na kagandahan ay naglalahad din ng panloob na karangian o virtue (spi­ritual beauty). Kung ang pakikipagrelasyon ng lihim sa kabila ng pagkakaroon ng legal na asawa ay masasabing virtue, masasabi kong baluktot ang kanilang pamantayan ng kagandahan.

Namatay si Simonetta noong 1476 sa batang edad na 22. Gayunman, si Botticelli na may lihim na pagtatangi kay Simonetta ay patuloy na minahal siya at ginamit pa rin ang kanyang magandang mukha sa kanyang mga obra. Lahat ng female artworks ni Botticelli ay mga portraits ni Simonetta.

Bago siya namatay (May 17, 1510), hiniling ni Botticelli na ilibing siya sa paanan ni Simo­netta. O, pag-ibig!

Kaye VN Martin