(Sinisilip ng BIR) BUWIS NG 250 SOCMED INFLUENCERS

bir

SINISIYASAT na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang may 250 top-earning social media influencers para malaman kung nagbabayad sila ng tamang buwis.

Sa isang statement, sinabi ng BIR na nagpalabas na ito ng Letters of Authority— na nagpapahin-tulot sa revenue officers na suriin ang accounting records ng taxpayers— para alamin ang bilang ng online content creators na ‘highest paid‘.

Sa Revenue Memorandum Circular (RMC) 97-2021 na ipinalabas noong Agosto, sinabi ng BIR na ang mga influencer na dapat magbayad ng buwis ay yaong tumatanggap ng sahod ‘in cash or in kind‘ mul sa anumang social media site o platform kapalit ng serbisyo bilang bloggers, video bloggers (vloggers), o bilang influencers.

“Social media influencers must pay income tax and business tax, which may either be percent-age or value-added tax, and are classified for tax purposes as self-employed individuals,” nakasaad sa RMC 97-2021

Ang memorandum circular ay ipinalabas makaraang makatanggap ng report ang BIR hinggil sa mga influencer na hindi nakarehistro, o nakarehistro ngunit sa ilalim ng iba’t ibang lines of business, at hindi idinedeklara ang lahat ng kanilang kinikita.

“We encourage them to register… We will do the investigation so that they would pay the necessary corresponding tax on their earnings,” sabi ni  BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa sa kanyang report kay Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isang executive committee meeting kamakailan.

Binalaan ng BIR ang social media influencers na hindi magpaparehistro at magbabayad ng tamang buwis na mahaharap sa parusa sa ilalim ng Tax Code.

88 thoughts on “(Sinisilip ng BIR) BUWIS NG 250 SOCMED INFLUENCERS”

Comments are closed.