(Siniyasat kung kontaminado ng ASF) RELIEF GOODS HINARANG SA QUARANTINE CHECKPOINT

QUARANTINE CHECKPOINT

NUEVA VIZCAYA – DAHIL sa nagpapatuloy na Oplan African Swine Fever,  lahat na papasok sa lalawigang ito ay hinaharang at ang pinakahuli ay ang isang truck na puno ng relief goods, na karamihan sa lulan nito ay canned goods na may karne ng baboy at dumaan sa quarantine chekpoint.

Ayon kay Dr. Zaldy Olivas ng Bureau of Animal Industry (BAI) Region 2, na hinarang sa quarantine checkpoint kamakalawa ng umaga dahil sa pinaiiral ng lalawigan ng Nueva Vizcaya ang mahigpit na oplan ASF upang maiwasan ang maaaring epekto ng nasabing virus.

Inakala ng lalawigan ng Cagayan na ang lulan na relief goods ay para sa lalawigan ng Cagayan at Apayao kaya hindi pumayag si Governor Manuel Mamba na pumasok ang mga pork based product.

Matapos na tumawag si Director Narciso Edillo, executive director ng Department of Agriculture Region 2 sa checkpoint na humarang sa nasabing kargamento at malinawagan na ang nasabing relief goods ay para sa lalawigan ng Apayao.

Pumayag na rin si Gob. Mamba na idaan sa Cagayan ang lulan nitong mga relief good patungo sa lalawigan ng Apayao na tulong ng gobyerno para sa sina­lanta ng pagbaha noong nakaraang linggo. IRENE GONZALES 

Comments are closed.