Hindi raw lalabanan ni Annabelle Doll si Barbie Doll dahil maganda, maputi at makinis. Gusto raw niyang makalaban si Chucky. E, sino kaya yon?
Of course alam nating pasaring ito, pero kanino? Sa ex-wife ba ng anak niyang si Richard Gutierrez na si Sarah Labathi? Si Sarah, Chucky Doll? Sa ganda niyang ‘yon?
Pero ayon Kay Annabelle, ugali at hindi mukha ang pangit Kay Chucky Doll. Si Chucky ay isang demon doll mula sa sikat at classic horror movie na Child’s Play noong 1988. Ang Annabelle doll naman ay possessed doll sa Annabelle film series.
Dahil sa post ni Annabelle, kung anu-anong kumento tuloy ang lumabas.
Sino pa ba ang hihinalain ng mga netizens kundi si Sarah Lahbati, na kahihiwalay lang kay Richard.
Matagal nang sinabi ni Annabelle na si Sarah ay “Devil Woman, makamandag, manipulative, at BEST LIAR”
Sabit din sa kwento si Barbie Imperial dahil diya daw ang tinutukoy na “Barbie Doll” na “maganda, maputi, at makinis.” Nali-link siya ngayon kay Richard at sa tono ng pasaring ni Annabelle, mas gusto niya si Barbie kesa kay Sarah.
Tinawanan lamang ni Esther Lahbati — nanay ni Sarah — ang mga pasaring ni Annabelle, dahil hindi raw naman sila affected dito.
In fairness, may kakampi naman si Sarah sa mga netizens. Tama lang daw decision ni Sarah na makipaghiwalay Kay Richard dahil napakahirap naman kung may biyenan siyang kagaya ni Annabelle.
Sabi pa ng isang netizen, hindi tamang pagsalitaan ng masasakit ni Annabelle si Sarah dahil ito ang ina ng kanyang mga apong sina Zion at Kai.
Unang inintriga sina Richard at Barbir noong January 6, 2024 matapos maispatang magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City.
Muli silang nakitang magkasama sa dating gastropub noong May 26, at nakita rin umano silang magkasama sa South Korea na nagsa-shopping.
May 27, nahagip si Richard sa Instagram Story ni Barbie sa isang gym.
No comment si Sarah sa napapabalitang ugnayan nina Richard at Barbie.
RLVN