SINO ang hindi nakaaalam ng Andrés Bonifacio Monument sa Caloocan na nasa dulo ng LRT 1? Kinukunsidera itong most symbolic sa lahat ng mga monumento sa bansa, mas kilala pa sa Motto Stella ni Dr. Jose Rizal sa Luneta. In fact, gawa ito ni National Artist Guillermo Tolentino.
Si José Rizal ang tinatanghal nating Pambansang Bayani ng Pilipinas, ngunit matagal na ring iginigiit ng maraming dapat daw ay si Bonifacio dahil siya ang nakipaglaban sa rebolusyon. Ayon kay Teodoro Agoncillo, hindi lahat ng national hero ay nakipaglaban sa rebolusyon o “lider ng liberation forces”. Ayon naman kay Renato Constantino, si Rizal ay “United States-sponsored hero” na nagsabing siya ang greatest Filipino sa panahon ng American colonial period sa Pilipinas – matapos matalo si Emilio Aguinaldo sa Philippine–American War. Itinaas ng United States si Rizal bilang tagapagtaguyod ng payapang political advocacy, sa halip na ang taong mas radikal na nakakapag-inspire ng resistance laban sa pamamahala ng mga Americano. Pinili si Rizal sa halip na si Bonifacio dahil siya raw ay “too radical” at si Apolinario Mabini naman ay “unregenerate.”
Ayon naman kay historian Ambeth Ocampo, ilalaban niya ang kanyang opinyong mas dapat na si Bonifacio ang national hero dahil siya at hindi si Rizal ang nagsimula ng Philippine Revolution, kahit pa nga si Rizal ang nagbigay ng inspirasyon kay Bonifacio para buuin ang Katipunan at ang rebolusyon.
Bago pa ang pagpapatapon kay Rizak sa Dapitan, kinikilala na si Rizal ng mga tao bilang national hero, dahil itinalaga siyang honorary president ng Katipunan. Sabi naman ng ibang historians, si Bonifacio ay tagasunod ng La Liga Filipina ni Rizal. Binigyang diin ni León María Guerrero na hindi pumayag si Rizal sa Katipunan dahil hindi pa napapanahon. Sa opinyon naman ni Teodoro Agoncillo, pwede namang gawing dalawa ang national hero – si Rizal at si Bonifacio.
Sa ngayon, May Rizal Day sa December 30 at may Bonifacio Day naman sa November 30. Halos patas na nga ang laban.
Ayon sa National Center for Culture and the Arts: Despite the lack of any official declaration explicitly proclaiming them as national heroes, [Rizal and Bonifacio] remain admired and revered for their roles in Philippine history. Heroes, according to historians, should not be legislated. Their appreciation should be better left to academics. Acclamation for heroes, they felt, would be recognition enough.
Pero ano nga ba? Si Jose Rizal na o si Andres Bonifacio? Wala na yatang katapusan ang pagtatalo dito. Kahit sino namang Filipino, gustong malinawan ito. Sino ba talaga ang tunay at karapatdapat na maging Pambansang Bayani.
Para sa akin, kapwa sila karapat-dapat na maging pambansang bayani. Pareho sila lamang naman sila ng ipinaglaban — ang magkaroon ng kalayaan ng ating bayan. Kung si Bonifaco man ay humawak ng tabak, hindi ba mas makamandag at mas matalas ang panulat?
Handa man si Bonifacio na ibuwis ang kanyang buhay alang-alang sa ating bayan, hindi ba si Rizal ay nagbuwis din ng buhay dahil sa kanyang panulat alang-alang sa bayan?
Sa aklat na “Rizal without the overcoat” ni Ambeth Ocampo, ganito ang sinabi:
The step that I have taken, or am about to take is undoubtedly very risky, and it is unnecessary to say that I have pondered on it a great deal. I know that everyone is opposed to it, but I also realize that no one knows what goes on in my heart. I cannot live knowing that many are suffering unjust persecution because of me. I prefer to face death and gladly give my life to free many innocent persons from this unjust persecution.
Sa sulat na ito, makikitang tulad ng ibang mga bayani, handa rin si Rizal na ibuwis ang kanyang buhay para makamit ang kalayaan. Para sa akin, para matawag na bayani, dapat ay may prinsipyo – tulad nina Rizal at Bonifacio. May matatag na paninindigan – tulad nina Rizal at Bonifacio.
Kung sino man sa dalawa ang inaakala ninyong tunay na bayani, — si Rizal man o si Bonifacio — silang dalawa ay parehong karapat-dapat na maging pambansang. — LEANNE SPHERE