SINO ANG DIDIKIT SA KORONA?(Kings, Dragons agawan sa 3-2 bentahe)

Mga laro sa Linggo:
(Mall of Asia)
5:45 p.m. – Ginebra vs Bay Area

BABASAGIN ng Barangay Ginebra at Bay Area ang 2-2 pagtatabla at isa sa kanila ang didikit sa korona sa muli nilang paghaharap sa krusyal na Game 5 sa PBA Commissioner’s Cup finals ngayon sa Mall of Asia Arena.

Nakatakda ang salpukan sa alas-5:45 ng hapon.

Dalawang beses nagtabla ang serye kung saan nagpalitan ng panalo ang dalawang magkatunggali na ginagabayan nina coach Tim Cone na taga-Oregon at Brian Goorjian ng Sacramento, California.

Lamang ang Gin Kings sa Dragons, 3-2. Tinalo ng crowd favorite ang guest team sa eliminations at dalawang beses sa finals.

Ang momentum ay nasa Bay Area matapos ang 94-86 panalo sa Game 4. Tiyak na sasamantalahin ng Hong Kong-based team ang pagkakataon para makuha ang bentahe at lumapit sa pagkopo ng korona.

Kapwa determinadong magwagi ang dalawang koponan.

“This game is crucial. This will determine how far we go in the championship. We cannot afford to lose this game. We have to win this game at all cost,” sabi ni Cone.

“We reviewed Game 4 and found out where we lapsed and committed mistakes. We made adjustments so as not to suffer the same mistakes that befell us in Game 4,” wika ng 65-anyos na si Cone.

Pipilitin ni Cone na hindi umabot ang series sa Game 7. Gusto ng veteran coach na kunin ang dalawang sunod na laro at angkinin ang korona sa Commissioner’s Cup na huli nilang hinawakan noong 2018 makaraang talunin ang San Miguel, 4-2, sa best-of-seven title series.

Sa kanyang panig, sinabi ni coach Goorjian na gagamitin nilang “jumping board” ang panalo sa Game 4 para lumapit sa korona.

“We will utilize the momentum we got in Game 4 to full advantage to win Game 5 and move closer to the title,” sabi ni Goorjian.

Kung magtatagumpay, ang Bay Area ay magiging pangatlong foreign team na nanalo sa PBA. Unang nag-champion ang Nicholas Stoodley noong 1980 at NCC noong 1985.

Kung aabot ang serye sa Game 7, gagawin ito sa January 13 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Target ni Cone ang ika-26 PBA title mula pa noong 1994 sa Alaska na binigyan niya ng 13 titles kasama ang grandslam noong 1999. Kinuha ni Cone ang kanyang ikalawang grandslam noong 2014 sa kampo ni Ramon S. Ang.

Nalimitahan sa kanyang lowest output na 23 points sa Game 4, determinado si Best Import Justin Brownlee na bumawi at dalhin ang Ginebra sa tagumpay tulad ng ginawa niya sa mga nagdaang taon kung saan binigyan niya ang Kings ng limang PBA titles.

CLYDE MARIANO