LIMA ang pinagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan na presidential candidate sa 2022 national elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring iendorso ng Pangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte, Senador Christopher “Bong” Go, Senador Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno at dating Senador Bongbong Marcos.
Pero paglilinaw ni Roque, sa ngayon, wala pa namang pinal na desisyon ang Pangulo kung sino ang kanyang ieendorso.
Nanatili rin aniya ang paninindigan ng Pangulo na ayaw niyang tumakbo sa pinakamataas na posisyon ang kanyang anak na si Mayor Sara.
“I heard personally the President as of last Monday, someone called him up – I won’t say who – and he said, Mayor Inday Sara still won’t run. And the recommendation was for her not to run. So, that’s the latest I heard from the President’s own mouth,” giit pa ni Roque.
Sa kabila aniya ng usapin sa politika, inuuna pa rin ng Pangulo ang pagtugon sa pandemya sa COVID-19.
Mahalaga kasi aniya na mabakunahan muna ang higit na nakararami para magkaroon ng maayos na eleksiyon at hayaang makaboto ang mga botante. EVELYN QUIROZ
752611 18631I really like your post. Its evident which you have a good deal understanding on this topic. Your points are well made and relatable. Thanks for writing engaging and fascinating material. 78811