Sino ang pinopormahan ni Oliver Moeller, si Michelle Dee o si Kim Chiu?

May Karapatan namang mag-viral ang “EXpecially For You” contestant na si Atty. Oliver Moeller. Guapo na, abogado pa. Kaya lang, playboy yata. Sino kina Beauty Queen Michelle Dee at actress Kim Chiu ang totoong pinopormahan nya.

Sinabihan pa niya si Kim Chiu ng “gihigugma kita,” na ang ibig sabihin ay “I love you” nang dumalaw siya sa It’s Showtime kamakailan. Nagbiro pa nga si Vice Ganda na baka si Kim nga ang binibisita ng Filipino-Norwegian lawyer, na pinili ni Miss UniversePhilippines 2023 Michelle Dee sa game segment nila.

Pero gusto lamang daw ni Oliver na na dumalaw sa ABS-CBN noontime show. Sobrang natuwa raw kasi siya at ang kanyang pamilya na nag-viral nga siya sa internet at bigla siyang sumikat. Nagkaroon pa nga raw siya ng mga instant fans na sumalubong pa sa kanya sa airport nang umuwi siya sa Cebu.

Parang nagbukas raw sa kanya ang pinto ng showbiz, kaya kinukunsidera na niya ito ngayon, kahit pa most of the time ay sa Cebu siya nakabase.

“Masaya pala ang showbiz,” ani Oliver. “I guess a door on expanding my network, expanding my connections, maybe looking at some things in Manila.”

Going back to Michelle at Kim, maganda ang first impression ni Oliver sa Beauty Queen. Si Kim naman, dahil taga-Cebu rin ito, marami raw silang ‘things in common.’ Pero nang tanungin naming kung sino ang nililigawan niya sa dalawa, napakalabo ng kanyang sagot. Aba, hindi pa pumapasok sa showbiz, marunong nang magpaikot ng media!

Ganyan ba talaga ang mga abogado? NLVN