Sino ba talaga Paulo Avelino?

NAGIGING  napakalapit raw sa isa’t isa ngayon nina Paulo Avelino at Kim Chiu, lalo pa nga at sila magkapartner sa TV series na “Linlang.” Naging close daw sila dahil lag ingang magkasama sa shooting.

E, paano yan? Kabi-break lang ni Kim kay Xian Lim, at hindi ba may rumor din na silna Paulo at Janine Gutierrez ang mag-MU ngayon? Oo nga at walang confirmation, pero may mga hints. Sino ba talaga, Paulo?

O baka naman, parehong pakulo lang ang Janine at Kim para sa TV series nila, dahil balita namin, may non-showbiz girlfriend si Paulo.

E ngayon na, may bago na naman silang pagsasamahan, ang What’s Wrong With Secretary Kim.

Panay ang puri ni Paulo kay Kim na kung bibigyan mo ng kulay, parang nagkakamabutihan nga ang dalawa. Kasi naman, parehong aminado ang dalawa na masaya sila kapag magkasama.

Wala namang masama kung magkamabutihan sila dahil pareho naman silang single sa ngayon, pero kung paiikutin lang ang fans para mag-click ang kanilang mga palabas, wow, it’s not so funny.

Hindi kami naniniwalang naka-get over na agad si Kim mula sa 11-years niyang relasyon kay Xian Lim ng ganoon lang. si paulo? Wala pa kaming alam na seryosong relasyon ang actor.

Totoo ang sinabi ni Paulo na masayang kasama si Kim, dahil ganoon naman siya kahit noon pa. hindi rin kataka-takang nagkarelasyon si Paulo kay Janine dahil napakaganda naman talaga ng dalaga. Pero alin ang totoo? O baka walang totoo!

Speaking of What’s Wrong With Secretary Kim Filipino adaptation, medyo iba raw ito sa original South Korean series na pinagbi8dahan nina Park Seo-joon at Park Min-young. Syempre, ibabagay ito sa kulturang Filipino. May Filipino touch at mas family oriented.

Romantic Comedy ito at alam naman nating maghusay si Kim sa comedy kaya siguradong papatok ito.

Pag pumatok ang KIMPAU loveteam, pihadong may producer na mag-aalok ng pelikula para pagsamahan nilang dalawa. In fairness, lahat ng movies ni Kim, kumite. Hindi man blockbuster, hindi nalulugi. Okay naman daw kay Paulo kung magkakasama sila ni Kim sa Pelikula. Actually, sabi niya, “It’s an honor.” Talaga lang, huh!

Mapapanood ang What’s Wrong With Secretary Kim simula March 18, sa video streaming app na VIU in collaboration with ABS-CBN Entertainment at sa direksyon ni Chad V. Vidanes.

Makakasama nina Kim at Paulo sina Jake Cuenca, Angeline Quinto, Franco Laurel, Cacai Cortez, Romnick Sarmienta, Gillian Vicencio, at Pepe Herrera.