MAS maliwanag pa sa sikat ng araw na fresh mandate ang nakuha ni Speaker Alan Cayetano nang ibasura ng 184 kongresista ang kanyang inalok na pagbibitiw bilang lider ng Kamara noong nakaraang linggo ito ang tinindigan ni Deputy Speaker Neptali Gonzales isang batikang solon sa nangyayari ngayong usapan na term-sharing sa Kamara.
Pinuna tin ni Gonzales at ng iba pang kongresista ang ginawang pagsasalita ni Cong. Allan Velasco sa Facebook sa halip na humarap at doon magsalita sa sesyon ng Kamara.
Dahil ayon sa solon wala silang pakialam sa Facebook statement ni Velasco at hindi nila ito kikilalanin bilang opisyal na pahayag dahil di’ naman niya sa sesyon sinabi. Aba’y oo nga naman, hindi tuloy malaman ngayon ng mga tao kung talagang gusto ni Velasco maging speaker ng Kamara o mag-speaker ng mga blogger. Natatakot ba siya na tanungin ng mga kapwa solon kaya hindi siya sa sesyon nagsalita gaya ng ginawa ni Cayetano noong nakaraang linggo.
Talagang atat na atat na maging speaker si Velasco gayong kung tutuusin malabo pa sa dilim ng gabi na mangyari pa ito dahil nga ang super majority na mismo sa Kamara ang nagdesisyon na tanggihan ang pagbibitiw ni Cayetano. Dagdag pa rito ang sinabi pa ni PRRD na stay-out siya sa speaker issue sa Kamara dahil ito ay purely ‘internal matter’ sa pagitan ng mga kongresista at ginagalang niya ang nangyaring botohan noong Miyerkoles.
Nakakalimutan yata ni Velasco na kung halimbawang umayaw na si Cayetano bilang speaker, na may mas marami pang magagaling, mata-tapang, at masisipag na mga kongresista kaysa kay Velasco na mas may karapatan upang maging speaker of the House. Ano ba ang nagawa niya para maghanda bilang lider ng Kamara? Eh yung mga kapwa solon niya na mismo ang nag-aakusa na siya ay absentee congressman at ni hindi dumadalo sa pagdinig ng kanyang pinamumunuang Committee on Energy. May narinig ba tayo kay Velasco tungkol sa maiinit na isyu na bumagabag sa bansa gaya ng COVID-19, Anti-terror Bill, PhilHealth issue, ABS-CBN franchise issue at iba pa. Di ba wala?.
At kakaiba rin pala talaga kung mag-trip itong si Velasco. Sa kanyang FB statement, siya mismo ang tumawag sa kanyang sarili na isang ‘statesman’. Ayon sa webster dictionary, ang statesman ay isang ‘skilled, experienced and respected politcal leader or figure’. Ha? hindi ba nananaginip nangg gising si Velasco? Baka hindi niya alam ang kahulugan ng statesman, susko po!
Ang speakership issue ay isang numbers game. Period! Kung wala kang numero huwag kang umasta na magiging leader ka ng Kamara. Nakakalimutan na yata natin ang separation of power ng Ehekutibo at Lehislatura. Paano magiging speaker ang isang kongresista kung hindi naman siya suportado ng kapwa mambabatas. At saka nga pala, bakit sa taumbayan humingi ng sorry si Velasco sa sigalot ng Kamara. Hindi naman siya national figure. Hindi rin naman siya speaker na matuturing na isang national opisyal. Well pasuweldo nga pala siya ng taumbayan. Sana sa mga nasasakupan niya sa Marinduque nag-sorry si Velasco. Dahil marami siyang mga kababayan doon na nagrereklamo na patay sindi ang kanilang koryente kahit si Velasco ang chairman ng House Committee on Energy.
Comments are closed.