SINO SI DONALD TRUMP?

MAKASAYSAYAN ang buhay ng ika-47th US President-elect Donald John Trump na isinilang noong Hunyo 14,1946 sa Queens, New York City ng mag-asawang sina Fred at Mary Trump.

Si Fred Trump ay successful real estate developer kaya si Donald ay lumaki sa masaganang pamumuhay. Ikaapat sa limang magkakapatid si Donald kung saan ang pamilya Trump ay nabubuhay sa malaki at comportable tahanan.

Base sa ulat ni Tania Calderon ng news agency, sa murang edad ni Donald ay namulat na sa mundo ng malawak na negosyong real estate ng kanyang ama na si Fred.

Nakita mula pa sa pagkabata si Donald sa pagiging energetic at assertive personality dahil sa strong will na taglay nito ay binansagan siyang troublemaker sa eskuwelahan na nagpapakita na walang kinatatakutan.

Kaya naman napansin ng mga magulang nito na kailangan ang maagang disiplina para sa mailagay ito sa tamang lugar.

Sa edad na 13-anyos, si Donald ay ipinasok ng kanyang mga magulang sa New York Military Aca­demy (NYMA) para mabago ang kanyang ‘rambunctious behavior.’

Istrikto at disiplinang environment ang paligid ni Donald kung saan nito natutunan na mag-focus at maging responsable.

Kinalaunan ay naging star athlete at lider sa kapwa militar kaya nagbigay sa kanya ng ‘sense of order and control’ na naging taglay ni Donald sa buhay at career.

Kalimitang kasama si Donald ng kanyang ama sa construction sites at real estate offices kaya natutunan niya ang kasikot-sikot ng kanilang family business.

Nagtapos sa military school si Donald noong 1964 bago pumasok sa Fordham University sa loob ng dalawang taon.

Noong 1968, nakuha ni Donald ang degree in economics sa Wharton School sa University of Pennsylvania kung saan siya nagsimulang magtrabaho sa kompanya ng kanyang ama.

Dahil sa practical experience sa pagiging real estate development ay nagsimula ang real estate empire sa Manhattan.

Ayon pa kay Tania Calderon, si Donald Trump na ika-45th President of the United States ay kilala sa role as a real estate mogul, reality TV star, at politician.

Kabilang ang blend of privilege, disiplina at ambition na umukit sa pagkatao ni Donald ay ang kanyang pamilya at education kung saan ang pundasyon ng isang mamamayang Amerikano ay magiging dominant force sa negosyo, entertainment at politika.

MHAR BASCO