MALAKING kaganapan ang nangyari nitong Linggo. Ang unang batch ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 na gawa sa China ay dumating sa Villamor Air Base. Sinalubong ni Pangulong Duterte ang pagdating ng mga gamot na ibinigay ng pamahalaan ng China bilang tulong sa atin.
Subali’t marami ang nagsasabi na hindi raw mabisa ang nasabing vaccine. Marahil nakaapekto ang pananaw na ito dahil sanay tayo na kahit na anong produkto na gawa ng China ay marupok o kaya ay peke. Dagdag pa rito siguro ay ang mga isyu laban sa bansang China na nakaka-apekto sa atin tulad ng pananakop nila sa West Philippine Sea na walang matibay na dokumento na pag-aari nila ang halos na kabuuan ng nasabing karagatan. Ganoon din ang isyu ng POGO at mga illegal na droga na pumapasok sa ating bansa na nagmumula sa China.
Subali’t ayon sa pag-aaral na isinagawa sa Brazil kung saan talamak ang pagkalat ng COVID-19, sa unang sigwada,matagumpay raw ang pagbabakuna ng Sinovac. Lumalabas daw na 78% ang bisa ng Sinovac. Pinahayag ito ng gobernador ng Sao Paolo na si João Doria noong buwan ng Enero.
Ngunit sa isang sumunod na press conference, ang mga opisyal ng Brazil ay naghatid ng mas malungkot na follow-up: Ang bakuna na Sinovac ay, sa katunayan, 50.4% epektibo lamang sa pagpigil sa COVID-19.
Subali’t ang 50.4% efficacy rate sa pagpigil sa COVID-19 ay maaring matawag na makabuluhan kahit mas mababa kaysa sa 95% at 94% na bisa ng bakuna na sinasabi mula sa Pfizer at Moderna. Ang mas mababang datus na iniulat ng mga siyentista mula sa prertihiyosong Butantan Institute na boluntaryong naglilingkod sa pamahalaan ng Brazil katulong ang Sinovac upang makita ang buong larawan ng mga resulta ng pagsubok.
Ayon kay Ricardo Palácios, medical director ng Butantan Institute, ang mas mababang rate ng kahusayan ng Sinovac ay katibayan na ang mga pagsubok sa Brazil ay nakatuon sa mas mataas na panganib kaysa sa mga pagsubok sa Pfizer at Moderna. Ito ang ginamit bilang mas mahigpit na pamantayan ng Butantan Institute.
Ayon sa ilang eksperto, ang 50.4% na bisa ng Sinovac ay hindi maaaring masabi na malaking dagok laban sa COVID-19.
Sinabi ni Palácios na ang relatibong mababang bilang ng 50% ay dahil sa mas mapanganib na pamantayan nito sa kung ano ang impayon sa mga boluntaryo. Sinabi ng Butantan Institute na kabilang dito ay ang anim na uri ng mga kaso sa mga resulta nito: asymptomatic, napakahinahon, banayad, dalawang antas ng katamtaman, at malubha. Binigyang-diin ng mga awtoridad ng Brazil na dapat nakatuon ang publiko sa 100% kahusayan sa pagprotekta laban sa malubhang kaso ng COVID-19. Sa Amerika at sa Europa raw karaniwang lamang ay mild, katamtaman, at malubha ang mga kategorya bilang pamantayan.
Dagdag pa ni Palacios na gusto ng ibang mga grupo na may duda sa Sinovac na ihambing ito sa iba pang mga pag-aaral na mataas ang bisa ng bakuna mula sa ibang pharmaceutical companies. Ngunit parang paghahambing ng isang tao na tumatakbo ng isang 1-kilometrong layo sa isang patag na daanan at isang matarik at balakid na puno ng kahabaan. Siyempre mas mapapagod ang isang tao na tumakbo sa matarik na lugar hindi po ba? Pero pareho ang distansya.
Sa madaling salita, ang Sinovac, maski may nagsasabi na 50.4% lamang ang bisa, makakatulong pa rin ito sa mga kababayan natin laban sa COVID-19. ‘Ika nga ‘beggars can’t be choosers”. Bigay lang po ito.
Huwag na tayo masyado mapili. Ngayon, kung dumating na ang mga produkto ng Pfizer, Moderna, Astrazeneca, Johnson and Johnson at kung sino pang pharmaceutical company na may gamot na bakuna laban sa COVID-19, nand’yan ang merkado upang mamili tayo kung anong uri ng bakuna ang gagamitin natin depende sa abot kaya ng ating bulsa.
Sa dumating na Sinovac vaccine, walang lumabas na pera mula sa taumbayan. Handa naman ang ilang mabibigat na opisyal ng gobyerno ng ating bansa na magpabakuna ng Sinovac. Kung may duda sila, malamang ay hindi sila susubok nito.
383267 700230just couldnt leave your internet web site before suggesting that I really loved the standard data a person provide for your visitors? Is gonna be once again ceaselessly to check up on new posts 862988