‘SINTA’ LABAN SA COVID-19 ISINUSULONG NG WOMEN INVENTORS

DR EDINEL-2

ITINUTULAK ng Women Inventors Association of the Philippines, Inc. (WIAPI) ang paggamit ng Andrographis Paniculata o Sinta bilang food supplement sa mga pasyente ng coronavirus 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa liham na kanyang ipinadala kay Sec. Fortunato Dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST) kamakailan, ipinahayag ni Dra. Edinelda O. Calvario ang pagsuporta ng kanilang grupo sa kampanya ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang global pandemic outbreak.

Ani Dra. Calvario, ang kasalukuyang President ng WIAPI, naniniwala ang Women Inventors na ang raw form ng Andrographis Paniculata o Sinta, kilala rin bilang “King of Bitters” ay matagal nang kilala na may medicinal benefits, at matatagpuan sa mga bansa sa Asya, particular sa India.

Ayon sa Memorial Sloan-Kettering Cancer Center, ang active ingredient ng andrographis na andrographolides ay may potent anti-inflammatory at antimalarial properties. Bukod dito, nagtataglay rin ito ng antimicrobial properties na makatutulong para labanan ang impeksiyon mula sa mga virus, bacteria at fungi.

Ang andrographis ay mahusay na antioxidant laban sa sinasabing ‘free radical induced damage’ sa cells at DNA. Ito ay nagpapalakas sa immune system.

Nakahanda ang grupo ng Women Inventors na pondohan ang isinusulong na panukala bilang ayuda sa patuloy pa ring paglobo ng bilang ng mga pasyente ng COVID- 19 sa bansa na umabot na sa 8,212, batay sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles, April 29.

Binigyang-diin ni Dra. Calvario, kilala bilang ilang dekadang naturopathic doctor, na subok na ng marami ang kanyang Serpetina Tablet na nagmula sa Sinta o Andrographis Paniculata bilang pangontra sa iba’t ibang mabigat na karamdaman tulad ng inflammation hanggang cancer. Ang Serpentina tablet na aprobado ng Food & Drug Administration ay isa sa mga food supplements na inirerekomenda ni Dra. Calvario sa kanyang programang Healing Galing sa Radyo5 at OnePH at Healing Galing sa TV sa TV5.

Matatandaan na ang Serpentina Herbal Topiceutical na isa pa rin sa mga imbensyon ni Dra. Calvario ay kinilala bilang 2nd Runner-Up sa Likha Award (Creative Research – Private Funded) sa ginanap na 2019 Regional Invention Contest and Exhibits (RICE) ng DOST.

Comments are closed.