MARAMI sa atin ang natatakot na magpatingin sa doktor o ang kumonsulta. May ilan na nanghihinayang sa maaaring gastusin sa pagpapa-checkup at ang iba naman, natatakot malaman kung anong sakit ang mayroon.
May mga sakit gaya na nga lang ng diabetes na maaaring malaman kahit na hindi magpatingin dahil lamang sa mga sintomas. Hindi nga lang gaanong accurate. Kaya’t sa mga ayaw magpatingin sa doktor, narito ang ilang sintomas ng diabetes na nararanasan ng may mga Type 1:
PALAGING NAGUGUTOM AT MADALING MAPAGOD
Glucose ang nagiging insulin at kailangan ito ng katawan. Siyempre pa, ang glucose ay galing sa sugar, at ang sugar ay maaaring manggaling sa carbohydrates, na nagiging energy para magkaroon tayo ng lakas.
Kung lagi kang gutom at pagod, hindi makagawa ang katawan ng sapat na insulin o ayaw tanggapin ng cells mo ang insulin na ginagawa ng iyong katawan. Sintomas na iyan ng diabetes.
PALAGING NAIIHI AT PALAGI RING UHAW
Apat hanggang pitong beses ang normal na bilang ng pag-ihi ng isang tao, pero kung may diabetes, magiging mas madalas, dahil ang glucose na dapat ay nagiging insulin ay napapasa sa kidney (bato). Itinutulak ng sakit ang blood sugar pataas at hindi ito maibabalik ng kidney dahil sa diabetes kaya napadadalas ang pag-ihi.
At kapag madalas ang pag-ihi, kailangan ng katawan ang mas maraming tubig kaya laging nauuhaw. Mas maraming tubig na iniinom, mas madalas din kung umihi’
NANUNUYONG LABI AT NANGANGATING BALAT
Dahil ginagamit ng katawan ang fluid (tubig) sa madalas na pag-ihi, kakaunti ang moisture ng balat kaya nanunuyo ito.
Maaaring ma-dehydrate, manuyo ang labi at balat, at mangati na rin.
PANLALABO NG MATA
Sa pag-iiba-iba ng lebel ng liquid sa katawan, maaapektuhan ang mga mata. Mamamaga ang lens ng mata at nag-iiba ng hugis kaya hindi maka-focus.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa sintomas ng Type 1 diabetes.
Samantala, heto naman ang mga sintomas ng Type 2 Diabetes sa mga taong mataas na ang blood sugar sa matagal na panahon:
YEAST INFECTIONS
Mas maraming glucose, mas malaki ang tiyansang magkaroon ng yeast, at kapag sobra na ang yeast, magkakaroon ng impeksiyon. Posible ang impeksiyon. Malaki ang posibilidad ng impeksiyon sa parte ng balat na madalas mabasa tulad ng pagitan ng mga daliri sa paa, ilalim ng suso, at paligid ng penis o vagina na madalas mapagkamalang STD.
MATAGAL GUMALING ANG SUGAT
Kapag mataas ang blood sugar, nakaaapekto ito sa daloy ng dugo na nagiging dahilan ng pagkasira ng nerves, na dahilan upang hindi agad gumaling ang sugat.
PANANAKIT O PANGINGIMAY NG PAA O BINTI
Dahil sira na nga ang mga nerve, apektado na ang lahat ng bahagi ng katawan, partikular na ang paa at binti.
Kapag napansin ninyong may mga sintomas kayo ng diabetes – kahit isa lang sa mga sintomas na nabanggit, kumonsulta agad sa doktor bago pa lumala o kaya naman, gumawa agad ng aratiles juice at uminom agad ng isang baso nito para sigurado.
Isa nga naman ang aratiles sa kinakitaan ng potensiyal upang makapagpagaling ng sakit na diabetes. Marami nga namang sakit ang nagkalat sa palig-id. Kaya’t para maiwasang dapuan ng iba’t ibang sakit, kumain ng masustansiya at mag-ehersisyo araw-araw. At higit sa lahat, ingat-ingat lang ‘pag may time.
(photos mula sa theweek.in, conehealth.com, nps.org.au)
Comments are closed.