(Sinunog at isinilid sa drum) LALAKI NA NAWALANA TUNTON SA PUSTISO

sinunog2

CAGAYAN – BLANGKO at nangangapa pa rin ang Buguey Municipal Police kung sino ang mga salarin na brutal na pumatay at sumunog sa biktima kung saan ay isinilid pa sa plastic drum nang matagpuan sa Buguey.

Kinilala ni P/Capt. Reynaldo Viernes ng PNP Buguey ang biktima na si Hazel James Columna, isang utility worker, nasa hustong gulang residente ng nasabing lugar na natagpuang sunog ang boong katawan at naka silid ito sa isang plastic drum sa mabundok na bahagi ng Barangay Tabbac.

Napag-alamang ang biktima ay nawawala pa noong Marso 6 na natagpuan noong Marso 13.

Ayon kay Viernes, kaya nakilala ang biktima ng kanyang mga kamag-anak at katrabaho ay dahil sa kanyang nawawalang pustiso natagpuan malapit umano sa lugar kinatagpuan ng sunog na bangkay.

Idinagdag pa ni Viernes na ayon sa  anak ng biktima na may nakaaway umano ang kanyang ama bago siya ideklarang missing noong Marso 6.

Inaalam pa  ng Buguey Police Station kung sino ang nakaaway ng biktima bago ito natagpuan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.