KINUMPIRMA ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na iuuwi na sa Pilipinas ang labi ng nasawing OFW sa Kuwait.
Ayon kay Secretary Eduardo De Vega, chief mission ng DFA, ngayong Biyernes ng gabi inaasahan ang pagdating sa bansa ng mga labi ni Jullebee Ranara, 35 anyos.
Sasagutin ng ama ng 17-anyos na suspek ang lahat ng gastos sa pagpapauwi sa bansa ng mga labi ng OFW.
Nagbigay na rin ng abogado na hahawak sa kaso ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait at patuloy na makikipagtulungan sa Kuwaiti authorities para sa hustisya sa biktima.
Matatandaan na nadiskubre ang sunog na bangkay ng biktima sa disyerto ng Kuwait noong nakaraang linggo.
Nauna nang tumutok ang DMW sa pamumuno ni Secretary Susan Ople, para sa karumal dumal na sinapit ni Ranara.
Maging ang Kuwait government ay nakipagtulungan din sa kaso at agad na inaresto ang reaponsable sa krimen.
Tiniyak ng DMW na bibigyan ng tulong ang naiwanang pamilya ni Ranara gaya ng pagbibigay ng scholarship sa apat na anak ng biktima. Beth C