Malamang tumutulo ang sipon ngayon nitong si KT. Hindi dahil sa talo ang pusta niya na $10k na kaya raw niyang patumbahin si MP sa 3rd round, at imbes siya ang tumumba noon pa lang 1st round. Hindi rin dahil natamo niya ang unang pagkatalo sa isang mas maliit na Filipino. Sapagkat isang dahilan ng sinusitis, o pamamaga ng sinuses ay trauma sa ilong at mukha, gaya ng sinapit niya sa pambansang kamao. Hindi ka na sana nag-trash talk bago ang laban para hindi ka napaliguan ng jabs ng aming 40 y/o na Senador.
Nasubukan na ba ninyo ang walang tigil na paghahatsing? O pagbigat ng ulo, pagkirot ng kalahati ng mukha at pamumula ng ilong dahil sa kasisinga? Eh ‘yun bang wala kang ganang kumain dahil walang pang-amoy at tunog ngongo ang iyong pagsasalita? Malamang mayroon kang sinusitis o allergic rhinitis – mga karamdamang konektado sa panahon, kapaligiran, sariling immune system at trauma sa ilong. Hindi ka nag-iisa.
ANO ANG SINUSES?
Ito ay mga butas or open spaces sa loob ng ating bungo. Pinagagaan nito ang buto ng ulo, gumagawa ng mucus o malabnaw na sipon to moisturize the inside of the nose na nagsisilbi ring proteksiyon laban sa pollution, mikrobyo at alikabok. May koneksiyon din ito sa timbre ng ating boses.
Konektado ang hollow cavities na ito sa pamamagitan ng maliliit na daluyan. Sa pisngi ay ang maxillary sinuses, sa noo ay frontal sinuses, sa likod ng ilong ang sphenoid sinuses, at sa pagitan naman ng mata ang ethmoid sinuses. Kapag ang loob nito ay namaga at nabarahan, maaaring pamugaran ng mikrobyo at maipunan ng makapal na sipon, ito ang kondisyon na sinusitis.
MGA URI NG SINUSITIS
Ang acute sinusitis ay nagsisimula bilang parang sipon na may bara sa ilong at pagkirot ng ulo. It may start suddenly and last 2-4 weeks.
Subacute sinus inflammation usually lasts 4 to 12 weeks. Chronic inflammation symptoms last 12 weeks or longer. Ang recurrent sinusitis ay kondisyong paulit-ulit sa isang taon.
Ang mga dahilan ng pagbabara ng daluyan ng sinuses ay maaaring galing sa simpleng common cold, allergic rhinitis o pamamaga ng lining of the nose, nasal polyps o maliliit na laman na tumutubo sa loob ng ilong at deviated septum, o baliko ang loob ng ilong. Ang mahinang immune system o allergy sa usok at sa iba’t ibang bagay ay puwedeng pagsimulan din nito.
SINTOMAS NG SINUSITIS
- Dull headache
- Facial pressure
- Clogged nose
- Runny nose
- Loss of smell
- Cough
- Fever
- Bad breath
- Feeling tired
- Dental pain
KOMPLIKASYON NG SINUSITIS
Kung mapababayaan at dumami ang mikrobyo sa loob ng sinuses ay maaari itong mauwi sa mas mabigat na problema. Dahil malapit ang sinuses sa utak ay puwedeng tumawid ang bacteria rito. Infection of the brain by the invasion of microorganisms through the bones or blood vessels, abscesses, meningitis, and other life-threatening conditions may result. The most common causes are anaerobic bacteria and Staph aureus.
Antibiotics should be administered for at least 6 weeks. Minsan kinakailangan pa ng operasyon for drainage and surgical debridement. Kung apektado na ang utak, the patient may suffer severe headaches, altered consciousness, visual problems, seizures, coma, and possibly death. Nangyari ito sa asawang lalaki ng isa sa aming nurse at namatay dahil sa ganitong komplikasyon. Dapat mag-ingat.
HOME REMEDIES
- Use a humidifier or vaporizer para malinis ang hangin sa kapaligiran.
- Steam inhalation gaya ng pagpapakulo ng tubig na may luya.
- Water and natural juice therapy up to 2 liters daily.
- Eat plenty of fresh fruits and green leafy vegetables.
- Sip apple cider vinegar or ginger and lemon tea regularly.
- Use a nasal saline spray.
- Warm compress on the face.
- Learn yoga or other breathing techniques.
- Avoid chlorinated pools.
- Avoid smokers, heavily curtained and carpeted rooms.
- Avoid food additives and other allergenic substances.
- Eat plenty of onions and garlic.
- Humming (say Ohmmm.. loudly) via nose vibration.
- Visit the beach frequently.
oOo
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!
Comments are closed.